Agawan na sa tiket ng FIBA3x3 Wold Tour
- BULGAR
- Aug 19, 2023
- 2 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | August 19, 2023

Isang tiket patungo sa prestihiyosong FIBA3x3 World Tour Cebu Masters sa Setyembre 23 at 24 ang pag-aagawan ng 8 koponan ngayong Sabado sa Chooks-To-Go Pilipinas 3x3 Quest 3.0 sa Ayala Malls Solenad sa Santa Rosa City, Laguna. Pangungunahan ang mga koponan ng Manila Chooks at Cebu Chooks na puno ng karanasan sa pandaigdigang tatluhan.
Parehong nabunot sa Grupo A ang dalawang bigatin kasama ang Paranaque Swish App at Makati MNL Kingpin. Nasa Grupo B ang Quezon City Wilcon, Pasig Banh Mi KT, Taguig Happy Hotels at Botolan Third Floor.
Kabilang sa numero unong Manila ay ang numero unong manlalaro ng bansa na sina Mark Jayven Tallo at Paul Desiderio at mga import Tosh Sesay ng Sierra Leone at Amerikano Marquez Letcher-Ellis. Kauuwi lang ng Cebu galing sa Sukhbaatar Challenger sa Mongolia at tatampukan nina Calvin Payawal, Isaiah Blanco-Hontiveros, Jean Victor Nguidjol at Lenda Douanga.
Isa sa mga banta sa Chooks ay ang Quezon City na kinuha ang Kastilang import Jose Blazquez upang palakasin sina Yutien Andrada, Keith Datu at TH Tumalip. Tututukan din ang Botolan na kabilang ang aktor Gerald Anderson at rapper Young JV kasama sina Renzo Pagulayan at Chibueze Ikeh.
Hindi muna lalahok sa Dunk Contest si David Carlos at pangungunahan ang Paranaque kasama sina Geron Lontoc, Carlos Morales at Aljohn Ungria. Gagawa rin ng ingay ang Makati sa likod nina Nikki Monteclaro, Ivan Maata, Michael Macaballug at Toba Eugene.
Babalik sa 3x3 si Chris de Chavez at pamumunuan ang Pasig at mga kakamping sina Louie Vigil, Jean-Rony Cadot at Hamadou Laminou. Ang Taguig ay sasandal kay Joshua Webb, Clark Bautista, AJ Benson at Tsutomo Tateishi. Samantala, tiket din patungong Cebu ang layunin ng Pasig TNT Triple GIGA sa pagsalang nila sa Quebec Challenger sa Canada.




Comments