top of page
Search
  • BULGAR

Agaw-pansin talaga… WEDDING RING NI MAINE, TADTAD NG BATO

ni Nitz Miralles @Bida | August 6, 2023



Kabilang sa mga wedding photos na ipinost ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram ay ang holding hands nila ng husband niyang si Arjo Atayde at naka-closeup ang relo ni Arjo, pati na rin ang wedding ring ni Maine.


“Been a week” ang caption ni Maine sa kanyang post na ang ibig sabihin, one week na after ng wedding nila na puno ng saya, at may isyu pa nga. Pero, na-focus ang mata ng mga netizens sa wedding ring ni Maine na tadtad daw ng bato at talagang maganda at takaw-pansin.


Dalawa ang suot na rings ni Maine, baka ang isa ay engagement ring na maganda rin.


Pare-pareho ang comment na nangangabog sa ganda ang dalawang rings ni Maine at sigurado ang netizens na mamahalin.


Sa pagpo-post ni Maine ng kanyang wedding at engagement rings, wish ng mga ArMaine fans na matigil na ang ilang AlDub fans sa pagsasabing ang wedding ring sa kasal nina Maine at Alden Richards ang suut-suot ng idol nila.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page