top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Agaw-eksena… DIREK NG MOVIE NG MGA MARCOS, NAKA-YELLOW NA UM-ATTEND SA PRESKON

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 19, 2022
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | July 19, 2022




Dadalo si former First Lady Imelda Marcos sa red-carpet premiere ng Maid in Malacañang sa July 29 sa SM The Block five days bago ang playdate ng Viva Films movie sa August 3. Makikilala siya nang personal ng cast ng movie na hindi pa siya nakikita, lalo na ang younger cast.


Kahit may mga nagsasabing hindi sila manonood ng Maid in Malacañang, mas marami ang nagpahayag na panonoorin nila ang pelikula para malaman ang “the other side of the story” at ang side ng mga Marcos.


Ang mapanood din at malaman ang side ng mga Marcos ang isa sa mga binanggit na rason ni Director Darryl Yap kung bakit niya ginawa ang controversial film with controversial cast.


Sa grand mediacon, nalamang maka-Marcos ang karamihan sa cast, at may kuwento sila tungkol sa mga Marcos. Si Beverly Salviejo, nabanggit na ninong sa kasal ng parents niya si former President Ferdinand Marcos.


Maka-Marcos din mula pa noon si Elizabeth Oropesa at nabanggit na first time niyang tumanggap ng talent fee sa project patungkol sa mga Marcos.


Simple lang ang sinabi ni Cesar, “BBM ako”. At si Ruffa Gutierrez, nagkuwentong dahil sa pagtulong ng dad niyang si Eddie Gutierrez sa kampanya ni FM noon, nakabili ito ng dalawang bahay.


Thankful din si Ruffa na kahit iba ang sinuportahan ng mom niyang si Annabelle Rama nu'ng nakaraang eleksiyon, maganda pa rin ang pakikitungo ni Sen. Imee Marcos sa mom niya.


Samantala, statement kung statement si Direk Darryl sa grand mediacon ng kanyang pelikula dahil yellow ang kulay ng suot na hoodie at shoes. Nabiro siyang dilawan at sabi nito, hindi niya alam na dilaw ang suot niya.


Present ang mga bossing ng Viva Films at pinasalamatan ni Direk Darryl sina Boss Vic del Rosario at Vincent del Rosario dahil ang inakalang small movie ay heto, malaki at controversial, laging nagte-trending at talagang pinag-uusapan.


Three hours ang haba ng movie. Dahil in-edit, one hour and 51 minutes na lang ang final cut.


May three scenes si Direk Darryl na pinanghinayangang hindi na isinama at wish nitong kung magkakaroon ng Director’s Cut sa VivaMax ay maisama 'yun.

header.all-comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page