Aga inalok, umayaw… JOHN LLOYD, SECOND CHOICE PARA GUMANAP NA QUIBOLOY
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 22, 2022

May nakaamba palang proyekto ang producer ng Borracho Films na si Atty. Ferdinand Topacio para sa aktor na si John Lloyd Cruz. Gagawin nila ang Quiboloy biopic kung saan si JLC ang gusto nilang gumanap.
Umaasa silang tatanggapin ng actor ang kanilang alok at willing daw silang maghintay kung kelan ang free time nito.
Willing silang mag-adjust sa schedule ng aktor para lang matuloy ang pagbibida sa matagal nang pinaplanong biopic ni Pastor Apollo Quiboloy.
Ang tanong, tatanggapin naman kaya ni Lloydie ang project?
Ipinadala na umano kay Lloydie ang storyline pero ang nakarating na sagot sa kanila ay malabong gawin ito ng aktor dahil sa hindi tutugma sa kanyang schedule.
Ayon sa atorni-producer, “JLC is still being considered subject to his schedule, although nothing is final.
“Inurong na po namin ang principal photography to October or November para mas mahaba ang pre-production, as we in Borracho Films have always believed that a thorough pre-production is the key to a trouble-free principal photography and post-production.”
Inalok din daw ang aktor na si Aga Muhlach, pero hindi nila kinaya ang ibinigay na talent fee nito na parang presyong ayaw tanggapin.
Kinonsidera rin daw nila si Carlo Aquino at si Paolo Contis if hindi nga tatanggapin ni JLC ang offer.





Comments