top of page
Search
  • BULGAR

AGA AT CHARLENE, GUSTONG IPA-BARANGAY NI BOSSING VIC

ni Lucille P. Galon Trainee @Entertainment | April 25, 2024




Naging usapan sa isang episode ng Eat Bulaga na "Peraphy" ang pagbunyag ni Atasha Muhlach na one hundred pesos lang daw ang baon n'ya noong nag-aaral pa.


Sa palabas din na iyon, guest si Chinkee Tan, ang wealth management coach na nagbibigay ng tips kung paano mag-ipon at mag-business.


Ang sey ni Chinkee, "Kailangan, number one, 'wag kang magdadala ng pera na higit sa budget mo. Kung ang budget mo ay PHP300 lang, 'yan ang ilagay mo sa wallet mo."


Nang tanungin naman ni Vic Sotto si Atasha, "Ikaw ba, magkano baon mo noon?" pabulong itong sinagot ni Atasha ng "P100."


Ani Vic, "Wow! Grabe, ha? Sino'ng mga magulang mo? Parang gusto ko ipa-barangay," dahilan para magtawanan ang audience.


Hindi makapaniwala ang lahat kaya nilinaw nila kung sa 100 dollars ba ito.

"Hindi, pesos. Seryoso," paglilinaw ni Atasha.


Wow, ha? Parang 'di siya anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez. Eh, 'yung mga estudyante natin d'yan, kumusta naman? Kasya ba ang 100 pesos na baon? Ano'ng sey n'yo? Share n'yo naman ang mga tipid tips!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page