top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

After umaming sila na… HOLDING HANDS NINA GERALD AT JULIA HABANG NAGLALAKAD, IDINISPLEY NA SA SOCMED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 8, 2021
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 8, 2021





Isinama ni Gerald Anderson ang nobyang si Julia Barretto sa pamamahagi niya ng tulong sa Aetas Community sa Barangay San Agustin, Iba, Zambales nitong Sabado, Marso 6.


Bale ito ang unang public appearance nina Gerald at Julia pagkatapos umamin ang aktor na sila na nga ng dalaga sa panayam niya kay Boy Abunda nitong Biyernes.


Sa tingin namin ay pinag-usapan nina Gerald at Julia ang pag-amin para itapat sa kaarawan ng aktor nitong Linggo, Marso 7, at sa nalalapit na birthday din ng aktres sa Miyerkules, Marso 10.


Yes, parehong Marso ang kapanganakan ng dalawa!


Bukod dito ay itinaon din ang pag-amin ng aktor sa promo ng teleserye niyang Init sa Magdamag na mapapanood na sa Abril, handog ng Star Creatives.


Going back sa gift-giving na naglalaman ng mga bigas, de-lata, kape, chocolate drink, biscuits at personal hygiene kit ay umabot sa 300 pamilya ng mga Aetas na nakatira sa Lupang Pangako Resettlement Area ang nabahaginan nina Gerald at Julia.


Umalalay kina Gerald at Julia ang mga kasamahan niya sa Philippine Coast Guard sa pangunguna ni Commodore Armand Balilo at ng PCG Logistics Systems Command, PCG Station Subic, and the World Vision Philippines.


Parehong nakasuot ng orange shirt sina Gerald at Julia na may nakalagay na Coast Guard Auxiliary at may ranggo ang aktor bilang tinyente.


Saad ng aktor, “Nagpapasalamat ako kasi kasama ko kayo sa birthday ko. Sana, nakapagbigay ng kaunting saya sa inyo ang pagbisita namin dito. Hiling ko rin na maging 'partner' kami ng komunidad na ito sa mga susunod pang pagkakataon.”


Ang mga larawang namamahagi ng tulong ang magkasintahan ay ipinost ng kanilang mga supporters sa JuRald Official Account.


Samantala, sa selebrasyon ng kaarawan ng aktor kahapon, Linggo, ay nasa Hayati private resort ang dalawa at may kuhang naglalakad sila papuntang dagat habang magkahawak-kamay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page