After umaming may COVID-19... MICHAEL V., NAWINDANG SA FAKE NEWS NA PATAY NA SIYA
- BULGAR

- Jul 22, 2020
- 1 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 22, 2020

Hindi nakaligtas sa 'fake news' si Michael V. noong pagpasa-pasahan sa social media ang balitang siya raw ay pumanaw na. Kasunod ito ng pag-amin ni Bitoy sa kanyang vlog nu'ng Lunes na siya ay COVID-19 positive.
Nagulantang na lang si Michael V. sa fake news.
“Muntik akong mahulog sa kama!” aniya nang mabasa ang fake news kung saan may lumabas na artikulo with matching pictures pa na pinagtabi ang kuhang larawan ni Bitoy sa kanyang vlog at ang sadyang pinaputlang picture niya para siya ay magmukhang pumanaw na.
Ang titulo ng artikulo (published as is): "BREAKING NEWS: Aktor na si Michael V o BITOY ay Pumanaw na Kanina lamang."
May hashtag pang #RIPMichaelV ang nabanggit na post.
Pabirong sabi ng actor-director, “advanced mag-isip” ang may pakana ng pekeng balita.
Pinaalalahanan din ni Michael V. ang kanyang social media followers na mag-ingat sa pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media.
Aniya, lumantad siya bilang COVID-19 patient upang maintindihan ng publiko ang panganib ng sakit. Pero ibang panganib daw ang naidudulot ng pagpapakalat ng fake news.
“Ingat po tayo sa mga ganito,” saad pa sa caption ni Michael V.





Comments