top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

After serye… RICHARD, BALIK-PELIKULA, GUSTONG MAG-ROM-COM ULI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2025
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 15, 2025



Photo: Richard Gutierrez - IG



Bongga si Richard Gutierrez dahil pagkatapos ng hit action series niyang Incognito, may kasunod agad siyang proyekto, this time ay movie naman.


“I will start filming for a movie in a month’s time. I am excited to be back on the big screen,” sey ng aktor na ang huling pelikulang nagawa ay ang Unbreakable noong 2019.


“I will also be in London on Aug. 2 for a Filipino event. So that will be a mix of work and a much-needed vacation,” dagdag niya.


Aminado naman si Chard na nami-miss niya ring gumawa ng ibang genres since sunud-sunod nga ang kanyang action projects. Wish nga raw niya na makagawa ulit ng rom-com stories.


Pagdating naman sa dream project, ani Chard, “Yes, there will always be dream roles or projects. My character in Incognito was actually a dream role of mine. I want to do a period film set in the ‘70s.”


In the future, gusto rin ng aktor na makapag-produce ng pelikula para makatulong na rin sa ibang taga-industriya.


“Yes, that is part of my long-term plan,” aniya tungkol sa pagpo-produce. 

Aniya pa, “I think it’s also a way to give back and help the industry.”


Magtatapos na next week ang Incognito at sey ni Chard ay talagang nag-enjoy siya doing the series, lalo na ang kanilang mga filming sa kung saan-saang lugar tulad ng Palawan, Italy, Japan, and Tacloban. For the finale episodes naman ay nagpunta pa sila sa Marawi in Mindanao.


Bagama’t hindi pa sinasabi ng aktor ang detalye ng kanyang upcoming film, inanunsiyo na rin naman ng Star Magic last June na gagawa siya ng pelikula under Regal Films.



MULING nagbabalik ang singing group na InnerVoices sa limelight with 7 new songs and a new vocalist, Patrick Marcelino.


Sa mga batang ‘90s, for sure ay pamilyar sila sa InnerVoices dahil 34 years na rin ang banda sa music industry. The group was formed by Rey Bergado in 1991 and since then ay napakarami nang nangyari sa grupo.


Namayagpag sila noong early ‘90s to late ‘90s at talagang kabi-kabila ang kanilang gigs sa mga sikat na music bars.


“Until noong late ‘90s na, nag-aaral na ako and ‘yung mga kasamahan ko, nag-aaral din. At tumuloy na ako sa law school, doon kami nag-lie-low,” pagre-recall ni Atty. Bergado.


“Nag-hiatus kami at nabuo kami muli noong 2014. Nabuo ulit ‘yung band with some of the new members, nag-release kami ng album under Universal Records.

“‘Yung album na ‘yun, nag-produce ng isang kanta titled Paano na nanalo sa Awit Awards noong 2015,” patuloy niya.


Nag-lie-low sila ulit noong 2018 at nag-reunite ulit noong 2021 na may bago ulit members.


Sa ngayon ay si Rey na lang ang natitirang pioneering member ng InnerVoices at sey nga niya, passion talaga niya ang pagtugtog kaya patuloy pa rin niyang itinatayo ang grupo.


This year ay may bago na ulit silang vocalist at mukhang may suwerte ngang hatid si Patrick dahil 7 agad na bagong kanta ang ini-release nila — THAL (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa), Meant To Be, Idlip, Sayaw Sa Ilalim ng Buwan, Saksi Ang Mga

Tala, Handa Na Kitang Mahalin, and the only upbeat track in the mix, Galaw.

Kasabay na rin ng kanilang mga bagong kanta ang pagdiriwang nila ng ika-34 taon sa industriya.


Ayon naman kay Patrick, bagama’t 3 months pa lang siyang miyembro (the newest and the youngest) ng InnerVoices, matagal na rin daw niyang kilala ang ibang members especially si Rey na tumatayo ring manager.


Si Patrick din kasi minsan ang nagsa-substitute sa dating frontman ng grupo na si Angelo kapag hindi ito nakakadalo sa kanilang mga performances.


Sobrang thankful ng bagong bokalista na naging mainit naman ang pagtanggap sa kanya ng mga tao, gayundin ng buong grupo. Wala naman daw pressure sa kanya na siya ang bagong frontman since matagal na nga silang magkakakilala at masaya silang lahat na magkakasama.


Sabi naman ni Rey sa pagpasok ng kanilang bagong frontman, “This time, we’re going back to our roots. Kasi ang InnerVoices basically, a pop-rock band. So balik kami doon. So mapapansin n’yo, ‘yung mga bagong release namin, ‘yung pitong ‘yun, medyo pop s’ya na may konting mellow lang.”


Other members of InnerVoices are Rene Tecson on guitar, Alvin Herbon on bass, Joseph Cruz on keyboards, and Joseph Esparago on percussion.


InnerVoices performs every Thursday and Saturday at the Hard Rock Café in Makati, and on Fridays ay kumakanta naman sila sa Bar IX (Nine) in Molito Alabang. On Mondays, they perform at 360 at Newport World Resorts.


Tuwing Wednesday naman ay may gig din sila sa Aromata in Quezon City. Kumakanta rin sila once a month sa 19 East in Parañaque.


Kamakailan lang ay nag-guest ang InnerVoices sa Net25’s Letters and Music at sa FM station nito na Eagle FM 95.5.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page