After saktan ni Barbie sa bar dahil sa selos… DEBBIE, INAMIN ANG RELASYON NILA NI DIEGO
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 4, 2022

Itinanggi ni Debbie Garcia na naging third party siya sa relasyon nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.
Sa kanyang panayam kay MJ Marfori, ayon sa Viva talent ay magkaibigan lang sila ni Diego.
Nagkaroon kasi ng issue na nagkaroon sila ng “something” ni Diego matapos ang naganap na pag-aaway nila ni Barbie Imperial sa bar na humantong nga sa pisikalan.
Nagkasama sina Diego at Debbie sa Vivamax sexy-drama movie na The Wife na ipinalabas noong February, 2022.
“We’re not together po. We’re friends po. Magkaibigan po kami ni Diego,” paglilinaw ni Debbie.
“Ang dami pong nagsi-circulate na mga kuwento, hindi naman ‘yun ang totoong nangyari.
Good thing noong gabing ‘yun, nagpa-medico legal ako, saka nagpa-blotter po ako. Kumpleto po kami para po kung anuman ang mga ini-speculate ng mga tao,” pahayag pa niya.
Nilinaw din ni Debbie na hindi niya kinanti si Barbie tulad ng sinasabi sa social media.
“Never po. Wala po akong any intention na ganu'n kasi lahat po ng mga kaibigan ko, nandoon.
Ang saya-saya po namin noong night na ‘yun. Lahat nga po, masaya kasi wala nang tensiyon, and nasa iisang table kami, so wala talaga. We didn’t expect it,” aniya.
Dagdag niya, lumapit lang siya kay Barbie para bumati at bumeso.
“Tao akong lumapit sa kanya, bebeso lang ako. Siyempre, courtesy ‘no? Pagdating niya, nauna ako roon, I said 'hi' kasi hindi naman tayo bastos. Noong pauwi ako, ang plan ko lang is to say bye to everyone kasi mga kaibigan ko po ‘yun, business partners,” kuwento ni Debbie.
Ayaw naman daw niyang bastusin si Barbie at daanan lang ito na parang wala lang dahil hindi naman daw niya ito pag-uugali.





Comments