After sa Coachella… BINI, SA SUMMER SONIC FESTIVAL NAMAN SA JAPAN MAGPE-PERFORM
- BULGAR

- 5 hours ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 4, 2026

Photo: IG BINI PH
Isa na namang pangarap ng BINI ang natupad matapos ang sunud-sunod na milestones sa kanilang career lately.
Sa X (dating Twitter) account ni BINI Sheena Catacutan ay ini-repost niya ang announcement ng Summer Sonic Festival na nakatakdang mag-perform ang Nation’s Girl Group sa nasabing event na gaganapin sa Japan sa Dec. 10, 2026.
Sa caption ay tila hindi makapaniwala si Sheena na matutupad na ang kanilang pangarap na makapunta sa kanilang dream country.
“For the nth time, KANINONG PANAGINIP TO TYL (thank you), Huhuhu! OUR DREAM COUNTRY BINI’S DREAM COUNTRY,” tweet ni Sheena.
Maging ang mga Blooms, BINI’s fandom, ay masayang-masaya at proud na proud para sa kanilang idolo.
“Di ko rin alam bebe kung kaninong panaginip ‘yan, eh, amin na kayo guys kung kanino ‘to! Hahahaha! jk (joke). CONGRATS, BEBEEEE SO PROUD OF Y’ALL,” sey ng isang fan.
Komento naman ng isa pang Bloom, “Buong taon ata ako iiyak para sa inyo girls, ilabas n’yo na lahat, please. Lord, thank you. Deserve na deserve n’yo ‘yang walo (BINI).”
“Panaginip nating lahat ‘to, Shee. Congrats! Kapit pa. Malulunod pa kayo sa mga darating na blessings,” sabi naman ng isa pa.
Anang isa pa, “Congrats sa inyo bunso, waiting pa kami sa iba pa n’yong mga announcements. Grabe kayo magbigay ng surprises, nakakakilig at nakaka-proud.”
Matatandaang katatapos lang tanggapin ng BINI ang kanilang Global Force Award sa Billboard Women in Music 2026 na ginanap noong April 30. Ito ay matapos ang kanilang historic performance sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026 noong Abril 10 at 17 at nasundan pa ng kanilang guesting sa Grammy Museum noong April 22.
Pilit itinawid…
RALPH, NAG-TRENDING SA PAULIT-ULIT NA SPIELS SA MISS U-PHILS. CORONATION NIGHT
Trending na at viral pa si PBB Celebrity Collab Edition (PBBCCE) 2nd Big Placer Ralph de Leon matapos magkaroon ng technical problem habang nagho-host ng Miss Universe Philippines 2026 Coronation Night na ginanap nu'ng May 2.
Habang nagsasalita si Ralph ay pahintu-hinto ang kanyang spiel at ilang beses niya itong inulit.
“Tonight we have witnessed Filip— (long pause)…
“Tonight we have witnessed Filipinas who have stepped into their power and owned their story…
“Tonight, we (pause). Tonight (long pause)…” ang paulit-ulit na sabi ni Ralph.
Ayon sa mga nanonood sa finals night ng Miss Universe Philippines 2026, dinig ang boses ni Ralph sa live telecast pero wala siyang audio sa loob ng SM Mall of Asia Arena.
Isa sa mga nag-react ay ang social media personality na si Senyora. Ipinost niya ang litrato ng aktor sa kanyang Facebook (FB) page.
“I think, ‘di kaya tonight, tomorrow na lang,” ang caption niya.
Sumagot naman si Ralph ng “Senyora, ‘di naman tayo umabot ng tomorrow.”
Pero naitawid din naman ni Ralph ang kanyang spiel dahil naayos na rin ang mga technical issues.
Marami naman ang nagtanggol na mga netizens sa aktor at naintindihan nila na hindi nito kasalanan ang nangyari.
Sey ng mga netizens…
“Pero in fairness kay Ralph, nakaya n’ya tonight.”
“Laro talaga. Hahaha! Buti, ang galing n’yang mag-save (program) tonight.”
“So, naka-ilang tonight? Sino nagbilang?”
“‘Di po kasalanan ni Ralph.”
“Pero grabe ang poise ni Ralph, super-cute pa rin sa recovery n’ya.”




Comments