top of page
Search
  • BULGAR

After parehong magsalita… DEREK AT ANDREA, MANANAHIMIK NA SA HIWALAYAN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 25, 2020




Tinuldukan na nang tuluyan ng dating showbiz couple na sina Andrea Torres at Derek Ramsay ang isyu tungkol sa biglaan nilang paghihiwalay. Pareho na silang nagbigay ng pahayag at kinumpirma ang kanilang breakup, pero wala nang naungkat na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Bagkus, nakiusap sila ng respeto at privacy mula sa kanilang mga kaibigan, pamilya, fans at supporters.


Maraming netizens ang naaawa at nakikisimpatya sa sinapit ni Andrea Torres. Pero, wala naman silang magagawa kung gustong manahimik ng aktres. Ayaw niyang pagpistahan pa ng media ang kanilang paghihiwalay ni Derek. At tama lang ang naging desisyon nila upang hindi na lumaki pa ang isyu.


Kailangan nila ng panahon at space upang pareho silang maka-recover sa breakup. Mabuti na lamang at may bagong project sa GMA Network si Andrea at kasama siya sa Legal Wives na tampok sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Cherie Gil at Bianca Umali.

Malabo nang gawin pa nila ni Derek ang Sanggang Dikit serye sa Kapuso Network dahil hiwalay na nga sila.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page