After nina Bea at John Lloyd... KALAT NA: SARAH, LILIPAT NA RIN SA GMA-7
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 12, 2022

Ngayon pa lang, excited na ang maraming fans and supporters ni Sarah Geronimo sa balitang lilipat na rin sa GMA Network ang Pop Royalty.
Tiyak na sa programang All-Out Sunday siya unang isasabak dahil dito niya maipapakita ang kanyang husay bilang singer-performer.
At marami ang nagre-request na sana, pagsamahin sina Sarah at Julie Anne San Jose dahil pareho silang biritera. Malaking karangalan para kay Julie Anne na makasama ang idolo niyang si Sarah G. Tiyak na madaragdagan ang saya at ningning ng AOS kapag pumasok sa show si Sarah Geronimo.
Wait na lang tayo sa formal announcement ng GMA-7 kung kailan pipirma ng kontrata si Sarah. Tiyak na malaking balita ito tulad ng pagpirma nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz!





Comments