- BULGAR
After ng tikiman nila ng sexy star… JULIA, IPINAG-SHOPPING NI GERALD SA THAILAND PARA 'DI MAGSELOS
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 18, 2022

Nag-share ang ABS-CBN ng steamy love scenes nina Gerald Anderson at Ivana Alawi sa serye nilang A Family Affair.
Napaka-intimate ng mga kuhang eksena na ayon sa mga netizens ay mukhang magiging dahilan daw para pag-awayan nila ng girlfriend na si Julia Barretto.
Sigurado raw na hindi magugustuhan ng aktres ang eksena nina Gerald at Ivana.
"Hahahahaha! Chulya (Julia) dislikes this."
"Buti 'di sila nadadala sa mga ganitong klaseng scene.. I mean like 'yung guy, 'di man lang naa-arouse kapag ganito."
"TULYA!!! KABAHAN KA NA!!!!! AHAHAHAHA!"
"Simula na… kabahan ka na, J!"
Pansin naman ng isang commenter, "Ang awkward, hahaha! Masyadong conscious si Gerald, baka nagbago na talaga."
May nagsabing nag-e-enjoy daw si Ivana sa ginagawa ni Gerald sa kanya dahil… "Tirik-mata ni Alawi, feel na feel!"
May reason daw pala kaya biglang nagbakasyon ang JuRald, "Kaya pala napa-Thailand ang mag-jowa at indulge sa shopping for Juls, haha!"
Pansin naman ng isang netizen, "'Di magaling sa kama si Ivana."
May nagsabi ring, "Ang galing ni Ivana Alawi rito, napaka-talented. Push lang 'yan…
marami ka pang papaselosin, hahaha! Napaka-hot niya, ganda pa, perfect!"
"Para hindi magselos si Tulya (Julia), fly sila ni G sa Thailand at ipinag-shopping pa siya.
Hahaha!"
O, 'di ba, kalokah ang mga intrigerang Marites!