After ng singsing... JESSY, TODO-DISPLEY DIN NG SUOT NA WEDDING GOWN

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 30, 2020

Pagkatapos ng posted ‘engagement ring’ umano ni Jessy Mendiola sa social media, isa na namang pinag-uusapan ay ang pagsusuot ng wedding gown ng girlfriend ni Luis Manzano.
Sa isang Instagram account ng Bridal Wear Company courtesy of @perezrubiobridal, makikitang may post na larawan ang actress kung saan nakasuot siya ng wedding gown.
Hindi malinaw kung imino-model lang ni Jessy ang nasabing damit pangkasal o siya’y nagsusukat.
May mga haka-haka kasing engaged na umano sina Luis at Jessy kaya malamang na naghahanap na raw ng wedding gown ang sexy actress-TV host.
Although, wala pang inaanunsiyong nag-propose na si Luis sa girlfriend, marami na ang nag-a-assume na malapit nang magpakasal ang dalawa.





Comments