top of page

After ng reunion concert… SEXBOMB GIRLS, GAGAWA NAMAN NG MOVIE PANG-MMFF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 12, 2026



Sexbomb Girls - IG

Photo: Sexbomb Girls - IG



May maugong na balita na may ilang movie producers ang nagbabalak na gumawa ng pelikula na ang mga bida ay ang Sexbomb Girls (SBG) at isasali diumano ito sa Metro Manila Film Festival 2026.


Medyo nabitin daw kasi ang kanilang mga fans sa reunion concert nila.

Hindi lahat ng kanilang mga fans ay nagkaroon ng chance na makapanood dahil sa sobrang mahal ng mga tickets ngayon. Kaya kung sakali at matuloy ang movie ng SBG, tiyak na dudumugin pa rin ito sa mga sinehan. 


Hindi naman maninibago sa aktingan ang girl group, dahil nasanay na sila noon sa seryeng Daisy Siete (DS). Excited na ang mga fans sa anumang update sa SBG movie. 

Kahit pa malalakas at malalaking artista ang makakalaban nila sa MMFF 2026, tiyak naman na panonoorin pa rin ng kanilang mga loyal fans ang movie, lalo na kung ito ay musical-comedy.





Malaki raw ang utang na loob sa mga bading…

MARK, P

UMALAG KAY ALVIN NA GALIT SA LGBT


HINDI nakatiis si Mark Herras sa mga banat ni Alvin Aragon sa mga miyembro ng LGBT, na ayon kay Alvin ay mga makasalanan. 


Depensa ng aktor, malaki ang utang na loob niya sa mga gays na umampon at nagpalaki sa kanya noon at inaruga siya bilang isang tunay na anak.


Sinuportahan siya ng mga kinilalang gay parents nang sumali siya sa reality show ng GMA-7 na StarStruck


Nang manalo siya, naging umpisa na ito ng kanyang showbiz career. 


Buwelta pa ni Mark kay Alvin, kung ito ay may bad experience sa mga gays noon, dapat ay gumawa siya ng aksiyon sa halip na magtanim ng galit sa lahat ng miyembro ng gay community. 


Well, nananatiling bitter sa buhay si Alvin Aragon, kaya hanggang ngayon ay hindi siya maka-move on.





MARAMI ang pumuri sa ginawang charity ng Team Ryzza (Ryzza Mae Dizon), kung saan nag-ikot sila sa Metro Manila upang mamahagi ng bigas at ilang trays ng itlog. 

Binibigyan nila ang mga nakikita nilang mangangalakal sa kalsada, mga construction workers, at iba pa na hirap sa buhay dahil sa taas ng bilihin ngayon. 


Ang mommy mismo ni Ryzza Mae ang namahagi at nag-ikot. Malaking tulong na ang bigas at itlog para sa mga taong kapos sa buhay. 


Ang ganitong pagse-share ng Team Ryzza ay kanilang pagbabahagi ng blessings sa mga nangangailangan. 


Sana, hindi lang sila ang magkaroon ng malasakit sa kanilang kapwa. Sana, ang mga artistang milyun-milyon ang kinikita ay tumulong din, lalo na sa mga jeepney drivers, riders, at tricycle drivers na halos wala nang kinikita mula nang magkaroon ng krisis sa langis sa bansa.





SA araw na ito, ise-celebrate ni Ricky Reyes ang kanyang 76th birthday. At this point in his life, wala nang mahihiling pa sa buhay ang sikat na beauty guru at businessman. 


Nakamit na niya lahat ng kanyang mga pinangarap. Naging puhunan niya sa pag-asenso ang taglay niyang sipag at tiyaga. Nakapagtayo siya ng ilang Ricky Reyes beauty salon at nakapagpundar ng maraming properties. 


Financially stable na siya at anumang oras ay puwede nang mag-retire. Pero nananatili siyang aktibo upang patuloy na makatulong. Nagbawas lang siya ng ilang negosyo upang makaiwas sa stress. 


Madalas na ipinapayo ni Ricky Reyes sa kanyang mga gay beauticians na mag-ipon habang sila ay bata pa at may trabaho, bilang paghahanda sa pagtanda upang may aasahan sa pagre-retire.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page