After ng padir ng anak na si Malia… BASHERS, NEXT NANG KAKASUHAN NI POKWANG
ni Nitz Miralles @Bida | June 18, 2023

May pagbabanta si Pokwang sa mga tinawag niyang ‘bastos na bashers’. May schedule raw siya sa NBI at tiniyak na iiyak ang bastos na nag-comment na after magpaanak sa Amerikano ni Pokwang to improve her race, gusto ni Pokwang ngayon na ipa-deport si Lee O’Brian as undesirable alien.
Ang payo pa ng netizen kay Pokwang, ipanalo muna niya ang kaso sa ex-partner niya at ang sagot ni Pokwang “Oo, tapos ikaw ang isusunod ko, hayop ka.”
Inulit ni Pokwang ang sinabi dati na hindi alam ng mga nagko-comment na bitter siya at mag-move on ang kanyang pinagdaanan sa piling ni Lee. Hindi raw niya kasama 24/7 ang mga nagko-comment.
Samantala, good news naman tayo, sa Assumption, Antipolo pala mag-aaral si Malia.
Mahal magpaaral sa school na ito, kaya dagdag na doble-kayod na naman nito si Pokwang. Mabuti talaga at hindi siya nawawalan ng project at kering maging nanay at tatay sa dalawa niyang anak. Kaya marami ang bumati sa kanya ng “Happy Father’s Day.”
TicToClock lang sa GMA-7 ang TV show ni Pokwang at ang cooking show niya sa Buko Channel, pero sunud-sunod naman ang pelikula at may mga shows pa rito at sa ibang bansa. In fact, may gagawin silang pelikula ni Fernando Carillo.
Mababasa pala ang comment ni Fernando Carillo sa post ni Pokwang tungkol kay Malia na “The prettiest girl in Manila. Big kiss, MALIA.”





Comments