After ng One Last Time concert… GARY V., TODO-DIIN NA ‘DI PA SIYA MAGRE-RETIRE
- BULGAR
- 5 days ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 29, 2025
Photo: Gary Valenciano - IG
Muling nilinaw ni Gary Valenciano na hindi pa siya magre-retire sa pagkanta at pagpe-perform tulad ng akala ng lahat matapos ang big concert niya last year na One Last Time.
Hanggang ngayon daw kasi ay marami pa rin ang nagtatanong sa kanya nito.
Nag-guest si Mr. Pure Energy sa latest episode ng K’s Drama podcast ni Karylle at napag-usapan nila ang bagay na ito.
“In your last concert, you also had a big declaration that you weren’t gonna do big, big concerts like that,” sabi ni Karylle kay Gary.
“I really am glad that you brought that up because a lot of people still think that, ‘di ba, ‘You retired na?’ I said ‘no,’” sey ni Mr. Pure Energy.
Bagama’t ipinaliwanag na rin niya noon pa na hindi pa siya magreretiro, marami pa rin daw ang hindi yata na-gets ang kanyang sinabi.
“Not everyone may have gotten it. They’re like ‘This is it, it’s gonna end na, we’ll never see him.’ No, you will. It’s just that I want to be at my best in every show,” aniya.
Katatapos lang ni Gary ng successful run of the musical play, Joseph, The Dreamer wherein he reprised the role of Jacob na una niyang ginampanan noong 2023.
NAG-POST ng open letter si Lotlot de Leon sa pumanaw na inang si Superstar Nora Aunor para ibalita ang latest kaganapan sa kanilang buhay.
Sa kanyang Instagram account ay ipinaalam niya sa ina na engaged na ang bunsong kapatid na si Kenneth sa longtime partner nitong si Sam.
Makikita sa video na ipinost ni Lotlot ang proposal ng bunsong anak ni Ate Guy sa longtime partner sa 7th birthday ng anak nilang si Summer.
“Ma, Magkakasama kami kanina… Birthday ni Summer, apo mo. “Si Ken naman — ang bunso mo, natin — nag-propose na kay Sam. He asked for her hand in marriage,” saad ng aktres.
“Super happy kami na naging bahagi kami ng espesyal na araw na ‘to, at alam kong napangiti ka niya. Alam naming matagal mo nang ibinigay ang basbas mo para sa kanila,” mensahe pa ni Lotlot sa ina.
“Ken, sobrang proud ako sa ‘yo. You’ve grown into such a loving dad to Summer and a devoted partner to Sam — na magiging misis mo na! “And Sam, thank you for loving my brother, you’re such a blessing to him.
Lagi kaming nandito para sa ‘yo, Ken and Sam, kaming mga kapatid n’yo. “Mahal na mahal ka namin, Ken, pati na rin ang munting pamilya mo. Congratulations, Ken & Sam! We love you! (ring and red heart emojis),” ang message naman ni Lotlot para sa newly-engaged couple.
Sa comment section ay makikitang bumati rin ang ama nilang si Christopher de Leon at misis nitong si Sandy Andolong.
“Congratulations sa inyong dalawa. Continued blessings be upon the both of you. & Happy birthday, Sam,” pagbati ni Boyet.
“Congratulations Ken & Sam,” mensahe naman ni Sandy.
Commentaires