top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

After ng kasal kay Bea… VINCENT, TODO-IWAS NA MAINTERBYU NG PRESS

Writer: BULGAR
BULGAR
14 hours ago
3 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | September 22, 2026



FRANKLY - VINCENT, TODO-IWAS NA MAINTERBYU NG PRESS_FB Circulating & IG _bealonzosquad

Photo: FB Circulating & IG _bealonzosquad



Inabangan ng entertainment press ang pagtakbo ni Puregold Price Club Inc. President Vincent Co sa ginanap na South Luzon leg ng nationwide Hakot Relay last Saturday at Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite.


Siyempre, ang lahat ay gusto siyang ma-ambush interview matapos ang kasal nila ni Bea Alonzo last July.


Pero ‘yun nga lang, nang makita niya ang press ay umiwas siya at nagpatuloy sa pagtakbo. Naintindihan naman ng lahat since hindi naman siya showbiz person talaga.

Anyway, naging exciting at mas intense ang takbuhan sa Cavite nang dagsain ng mahigit 4,000 runners ang Vermosa Sports Hub.


Punumpuno ng energy, camaraderie at ‘panalo’ moments ang event habang sabay-sabay na humarap ang mga participants sa isang kakaibang running challenge na may signature Puregold twist — ang ‘hakot’ mechanic.


Mas naging espesyal ang Southern Luzon leg dahil dito inilunsad ang kauna-unahang 8K Individual Challenge ng Puregold. Humigit-kumulang 500 runners ang sumabak sa full 8-kilometer course, kung saan kani-kanya silang diskarte, tiyaga, at lakas para matapos ang race.


Unlike the traditional Hakot Relay, ang 8K Individual Challenge ay isang solo race. Walang teammate na sasalo o katuwang sa pagtakbo—sariling pace, sariling diskarte, at sariling determination ang puhunan hanggang finish line.


Samantala, ang iba pang participants ay sumabak sa signature Hakot Relay, kung saan bumuo sila ng teams at kailangang magtulungan habang tinatahak ang racecourse at nangongolekta ng grocery items along the way.


Dito talaga nagkaroon ng kakaibang twist ang event.


Sa Hakot Relay, teamwork ang kailangan para ma-strategize kung paano mabilis na makakaikot sa course habang kinokolekta ang mga grocery items.


Sa 8K Individual Challenge naman, individual endurance at determination ang labanan.

“We wanted to offer runners a fresh and enjoyable way to challenge themselves, with the ‘hakot’ mechanic adding a playful and uniquely Puregold twist to the race,” ani Ivy Hayagan-Piedad, Puregold senior marketing manager.


Pagkatapos ng race, nakuha ng participants ang kanilang race-day rewards at nagkaroon din sila ng pagkakataong dumaan sa iba’t ibang sampling booths ng participating brands. Nagkaroon din ng sponsor-led activities sa stage bago nagtapos ang event sa awarding ceremony.


At siyempre, hindi kumpleto ang Hakot Relay experience kung walang grocery haul.

Ang mga participants ng team Hakot Relay ay umuwi na may Grocery Sling Bag at Finisher’s Grocery Bag.


Pero may special surprise naman para sa mga nakatapos ng solo 8K.

With the introduction of the 8K Individual Challenge, mas pinalawak ng Puregold Hakot Relay ang paraan kung paano maaaring makiisa ang mga runners—whether as a team or as an individual—habang ine-enjoy ang fun and uniquely Filipino experience ng ‘hakot’.





DIREK LOUIE, AMINADONG NAGING DESPERADO NANG ‘DI MAGING BEST ACTRESS SI ROBB



SOBRANG flattered ni Robb Guinto kapag sinasabing isa siya sa mga sexy actresses na hindi lang pagpapa-sexy ang alam dahil mahusay din siyang umarte.


Ang latest film niyang Desperada, directed by Louie Ignacio ay naging bahagi ng Sinag Maynila Independent Film Festival at nakakuha siya ng Best Actress nomination, habang ang co-actor at boyfriend naman niyang si Yasser Marta ay nanalong Best Supporting Actor.


“Kailangan po kasi talagang panoorin nila ‘yung pelikula namin,” sey ni Robb sa recent presscon for Desperada


“‘Di lang porke’t nakikita nila na mayroong sexy scenes… usually kasi, ang mga manonood natin, ang ginagawa nila, ini-skip nila, eh. ‘Di nila pinapanood nang buo, ‘di nila naiintindihan ‘yung istorya na gustong ihatid ng pelikula.”


Pabiro namang natanong si Direk Louie kung hindi ba siya naging desperado nang hindi manalo si Robb bilang Best Actress.


“Sa totoo lang, desperado. Aaminin ko, dahil nakita ko ‘yung performance talaga ni Robb. Ang laki ng ipinagbago n’ya pagdating dito sa Desperada. Ibang-iba siya rito.


“Nabigla ako nu’ng idinidirek ko na s’ya kasi may atake. ‘Di lang basta umarte sa harap ng camera, ‘Eto ang role ko,’ sa kanya, iba ‘yung ipinakita n’ya, ‘yung lalim ng acting.


“So, sabi ko, ‘Magiging Best Actress ‘to.’ Pero sabi ko, sanay naman ako sa mga festivals, iba pa rin kasi ang mga jury, so sabi ko, para sa ‘kin, s’ya ang Best Actress,” sey ni Direk Louie.


For Robb, siyempre ay gusto rin daw niyang manalo, pero as long as ginawa raw niya ang kanyang best ay very thankful na siya sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya.

Kasama ni Robb sa Desperada sina Mhack Morales, Julianne Richards, Sue Prado, at Mercedes Cabral.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page