After ng hiwalayan nila ni McCoy… ELISSE, MAGLILIPAT-BAHAY NA
- BULGAR

- 9 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 24, 2026

Photo: IG _ellisejoson & _mccoydeleon
Lilipat na sa bagong bahay si Elisse Joson mula sa pagkakahiwalay sa aktor na si McCoy de Leon.
Nais na marahil nitong mag-move on.
Ishinare ni Elisse ang mga larawan ng iba’t ibang bahagi ng bahay na kanyang iiwanan.
Caption ni Elisse, “Packing up all the good and taking it with us (box emoji).”
Nag-post ng komento ang kaibigan niyang celebrity na si Maxene Magalona.
Sey nito, “Happy moving + evolving! My nervous system misses you.”
Mensahe naman ng mga netizens sa aktres…
“I’m gonna miss greeting Felize in the elevator.”
“Oh, I won’t see cute Felize anymore running around in the lobby.”
“New beginning, happy for you and Felize.”
“Love your new house!”
Nag-throwback ang aktor-host na si Luis Manzano sa kanyang Instagram (IG) para sa dati niyang programa na Star Circle Quest (SCQ).
Ipinost niya ang isang old photo ng unang batch.
Si Luis ang host ng dating talent search show kasama si Jodi Sta. Maria. Sa programang ito rin nagsimula at unang nakilala si Sandara ‘Dara’ Park.
Kasama sa larawan si Sandara, ang dati niyang kalabtim at grand quester na si Hero Angeles, at sina Joross Gamboa, Joseph Bitangcol, Roxanne Guinoo, Michelle Madrigal, Melissa Ricks, Errol Abalayan, Raphael Martinez, at Neri Naig.
Pahayag ni Luis, “O, eto. Dahil ipinost ko si Jodi Sta. Maria, ‘di ba? Nu’ng ginuest ko sa Kapamilya Deal or No Deal, daming nag-throwback sa SCQ. O, eto, ultimate throwback. Thank you very much, Neri Naig para sa picture. ‘Yan ‘yung Batch 1 ng SCQ.
“Si Sandy, o. Isipin n’yo, d’yan nagsimula si Sandara. Pero ngayon, ang lupet—global superstar na rin. Throwback, SCQ. Are you in or are you out?”
In na in pa rin si Sandara Park sa Pinoy fans. Kinilig naman ang mga followers ni Luis sa naging comment ni Sandara sa kanyang post sa Instagram.
Sagot ni Sandara, “In na in!!!”
Nag-reply si Luis sa comment ni Sandara, “@daraxxi - iba kaaa!!!!!”
Iba talaga si Dara!





Comments