ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 2, 2024
MAINGAT na ngayon si Sunshine Cruz sa pagsasalita about her private life matapos ang relasyon nila ng pulitikong si Macky Mathay.
“After the very public relationship I had with my ex, I’d rather keep quiet na lang,” saad ng aktres sa mediacon ng ine-endorse niyang Thiocell Glutathione Lozenges na ginanap last Tuesday.
When asked if she’s seeing someone right now, ayon sa aktres ay ayaw na niyang pag-usapan ito.
“I don’t really want to talk about it. So, ibalato n’yo na lang sa akin. I’m turning 47, mga anak na lang pagkuwentuhan natin,” aniya.
Dagdag pa niya, “Parang ang sa akin, hindi naman na ‘ko teen-ager para pag-usapan. And magulo lang, eh, magulo. So, whatever I have or I don’t have, I’d like to keep it private na lang, pagdating sa puso or personal life.”
Samantala, grateful si Shine sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Thiocell para i-endorse ang nasabing gluta product. Three months na nga raw niya itong tine-take at effective naman sa kanya.
Comments