top of page

After ng hiwalayan nila ni Carlo… TRINA, TODO-PARINIG SA BABAERONG TATAY NG BABY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 19, 2022
  • 1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | February 19, 2022




Walang tinukoy na pangalan si Trina Candaza, ang ina ng anak ng aktor na si Carlo Aquino, sa video na ipinost niya sa Instagram Stories niya tungkol sa asawang babae na puyat sa kaaalaga ng anak na dumedede pa.


Ang sabi lang ng vlogger mom ni Mithi, “Same age kay Mithi ‘yung baby. 8x gumising ‘yung mom to feed the baby. Kaya sa mga nagtatanong kung namumuyat pa ‘yung ganitong age, gumigising pa din sila ng ilang beses but milk lang, okay na.

“‘Yung tatay, ang himbing lang ng tulog, tapos paggising, ibang babae pa iniisip niyan.”


Anyway, hindi man nagsasalita pareho sina Trina at Carlo na hindi na sila magkasama sa iisang bahay at co-parenting na lang sila sa anak nilang si Mithi ay mukhang maayos naman ang paghihiwalay nila dahil nag-uusap sila kapag susunduin ng aktor ang anak para mag-bonding sila.


Sa huling bonding moment nina Carlo at Baby Mithi ay ipinamili niya ng mga kailangan ang anak at nag-malling ang mag-ama.


Samantala, nature ang peg ni Trina dahil dinala ang anak sa Philips Sanctuary sa Antipolo, Rizal kung saan maraming puno at mga friendly ostrich, sheep, manok at iba pa. Naligo rin ang mag-ina sa pool bukod sa nag-hiking pa sila.


At siyempre, may "ME" time rin si Trina dahil base sa video post niya, ang ka-bonding naman niya ay ang kapwa vlogger na si Crisha Uy, ex-girlfriend ni Joem Bascon.


Si Crisha ang nag-post ng, “Date night with @trinacandaza,” na ini-repost naman ni Trina, “Reposting this vid. Thank you Ate @crishauy.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page