After ng hiwalayan nila ni Carla… TOM, OBYUS NA NAKA-MOVE ON NA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 13, 2022

Tahimik nang namumuhay si Tom Rodriguez sa ibang bansa mula nang maghiwalay sila ng asawang si Carla Abellana tatlong buwan matapos silang ikasal.
Ilang buwan ding nanahimik maging ang social media account ni Tom para siguro makaiwas sa mga intriga.
Pero ngayon, mukhang naka-move on na ang aktor dahil may bago na siyang video post sa Instagram kung saan makikita ang colorful rainbow in the sky.
Ang caption niya rito, “It rains in the desert after all” at “There’s always a rainbow after the rain."
May background music itong Rainbow na kanta ng Southborder.
Aniya pa, after ng ulan ay may rainbow na makikita na kung minsan ay dalawa pa.
“And speaking of after... you just KNOW there’s always a rainbow after the rain... sometimes, two."
Ano kaya ang ibig iparating ni Tom sa kanyang ipinost?
Tapos na nga kaya ang unos sa kanyang buhay kaya nakakita na siya ng panibagong pag-asa?
Sana naman!





Comments