Pinayuhan daw ni Vice… RYAN, ‘DI NA NAGHAHANAP NG DYOWA

ni Mercy Lejarde @Talkies | October 6, 2026

Photo: IG _ryanbang
Nakiusap ang It’s Showtime (IS) host na si Ryan Bang sa madlang people na tulungan siyang makapag-move on sa kanyang ex at respetuhin ang personal na buhay nito dahil hindi naman ito artista.
Sa YouTube (YT) channel ng host, napag-usapan nila ng kanyang best friend na si Willy Song ang tungkol sa kanyang love life at sa kanyang ex.
Tanong ni Willy, “Single ka ba ngayon?”
“Matagal na, more than one year na. Kaya minsan nga, nakikita ko, eh. Kaya tama na, let’s move on na, ‘di ba? Kailangan kong mag-move on din. Tulungan n’yo po ako, please?” pakiusap ni Ryan.
“Saka ‘yung iba, nalulungkot ako na hanggang ngayon kasi s’yempre ‘yung ex ko (Paola Huyong) at ibang naging ex ko, ‘di naman sila artista.
“‘Yung iba, hanggang ngayon, ginagamit pa ang picture namin. Tama na, please? ‘Di ba more than one year na? Baka may bago na s’yang na-meet, ‘di ba? Respetuhin natin. Wala na, eh, more than one year na.
“Sana, suportahan n’yo rin ako sa future. More than one year na, eh. So feeling ko, after 10 years, single pa rin ako,” dagdag ni Ryan.
Aminado naman si Ryan na dati ay talagang naghahanap siya ng makakasama sa buhay.
“Pero dati kasi, naghahanap ako, eh. Gusto kong mag-asawa, gusto kong mag-settle down, gusto kong mag-girlfriend. Pero ngayon, ‘di na. ‘Di na ‘ko naghahanap,” ani Ryan.
Tipong kailangan na lang talaga ni Ryan ng right time para sa kanyang true love, gaya ng payo ng kanyang mother dearest na si Unkabogable Star Vice Ganda.
“Sabi ni Mommy Vice, ‘yung pag-ibig daw, kusang dumarating pero marami kasing stoplight,” ani Ryan.
Well, Ryan, baka kailangan lang talagang maghintay ng sandali para mag-green light.
Pak, ganern!
NAGBAHAGI ng malungkot na mensahe sa kanyang social media ang asawa ng singer-songwriter na si Ice Seguerra na si Liza Diño para sa kanyang yumaong alagang aso na si Baby Boo.
Ibinahagi ni Liza ang kanyang pangungulila sa kanilang alagang aso, na aniya ay tanging babae sa kanilang limang aso at naging malapit din sa kanilang anak na si Amara.
Ani Liza, “Our baby Boo is now in dog heaven.
“We have five dogs, but she’s our only girl. She’s also Amara’s fur baby. Kaya every time I hugged Boo, parang niyayakap ko na rin si Amara. Especially now that Amara is away, Boo somehow made her feel a little closer to me.
“Baby Boo, mami-miss ko ‘yung pagsalubong mo sa ‘kin every night. ‘Yung paikut-ikot sa paa ko para magpabuhat. Lagi kang excited makita kami, and you always wait for us no matter how late we come home.
“Thank you for bringing so much joy into our home, Boo. Thank you for being our little sunshine. I love you so much, baby girl. I already miss you more than I can say.
“Run free, our Baby Boo. We love you forever.”
Run free, Baby Boo.
Nadamay kay Patrick na durog bilang ama…
PAOLO, TODO-FLEX SA BONDING SA 2 ANAK
TODO-FLEX ang aktor na si Paolo Contis na kasama niya ngayon ang kanyang mga anak kay Lian Paz matapos madamay sa isyu ni Patrick Garcia na hindi umano nagsusustento sa anak nito kay Jennylyn Mercado.
Sa kanyang social media, ibinahagi ni Paolo ang mga larawan ng kanyang naging ganap sa Cebu, kabilang na ang pagpapa-tattoo at bonding niya sa kanyang mga anak.
Ani Paolo, “My week in Cebu. Nagpalinis muna ako ng dugo! Thank you, Kaye (Abad) and Paul Jake (Castillo) for my EBOO Treatment! I feel so clean and full of energy after.
“Eh, after linisin ang dugo, pina-tattoo-an naman ako ni Abad! Iba ka talaga! Thank you, 032 Tattoo.
“Pero para sa aking totoong pakay sa Cebu… bonding with my beautiful kids! Thank you so much Lian and John sa oras, sa samahan, at sa kuwentuhang laging bitin! My heart is always full when I’m with all of you.
“See you all very, very soon for our next family time!”
Well, at least, may time ang aktor para sa kanyang mga magagandang anak. Good job, Paolo!
‘Yun lang, and I thank you.





Comments