After ng breakup kay Kobe… “I AM STRONGER AND BETTER NOW” — KYLINE
- BULGAR

- Jun 4, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 4, 2025
Photo: Kyline Alcantara - IG
Pansin ng mga fans, genuine na ang ngiti ni Kyline Alcantara at hindi na pilit. Abot na rin daw sa mga mata nito ang kanyang mga ngiti, unlike sa mga unang araw ng breakup nila ni Kobe Paras na pilit ang mga ngiti nito at ang pagsasaya.
Pinasalamatan ni Kyline ang kanyang support group na malaki raw ang naitulong para makapag-move on siya at siguro, pati makalimutan na ang ex. Hirit nito, ang family at friends niya ang nakakaalam ng buong pangyayari.
“I am stronger and better now because of my family and friends. Sila ang support system ko and without them, hindi ko malalampasan ang nangyari,” sey nito.
Contrary sa paniniwala ng mga bashers ni Kyline na malalaos siya dahil sa controversy ng breakup nila ni Kobe, masigla pa rin ang career ng aktres. May bago siyang endorsement at rumarampa sa mga pang-sosyal na event.
Malapit na rin ang premiere ng Beauty Empire (BE) series nila nina Barbie Forteza at Ruffa Gutierrez. May mga upcoming projects pa siya.
Lantaran na ang lambingan sa socmed…
BEA, TAGILID DAW SA BF NA CHINESE NA, PANGANAY AT ONLY SON PA
HARD launch daw sa relasyon nina Bea Alonzo at Vincent Co ang paglabas ng photos nila sa birthday party ng road manager ng aktres. Hindi lang daw kasi isang photo ang lumabas, saka hindi na sila concerned sa sasabihin ng mga netizens. Sweet ang power couple sa mga larawan nila.
Sa isa pa ngang larawan, kasama nina Bea at Vincent ang birthday girl, nakaharap sila sa camera at nakahilig si Bea sa shoulder ni Vincent. Ang sweet daw nilang tingnan, sabi ng mga shippers ng couple.
Hindi lang maiwasan na may mga bitter at inggit kay Bea na nagko-comment at ginawa pa ring isyu ang pagiging Chinese ni Vincent at usually daw, ang pure Chinese family, hindi pumapayag na hindi rin Chinese ang mapangasawa ng kanilang mga anak, lalo na sa kaso ni Vincent na the only boy sa Co family at panganay pa.
May nag-comment pa na dapat tahimik lang si Bea sa relasyon niya kay Vincent dahil baka ayaw ng mga Co na nagiging public ang relasyon ng kanilang anak.
May nagpaalala naman sa mga bitter kay Bea na hindi siya ang nagpo-post ng photos nila ni Vincent and as a matter of fact, si Vincent ang unang nag-post ng photos nila noong nasa Spain sila.
Hindi rin si Bea ang nag-post ng photos nila ni Vincent sa birthday party na kanilang dinaluhan. Kaibigan ni Bea ang unang nag-post at malay ba ng love birds na ipo-post ang picture nila.
Sa 2nd photo na lumabas, ang birthday girl mismo ang nag-post at hindi si Bea.
Tanong ng mga fans ni Bea Alonzo, kailan nito in-announce na sila na ni Vincent Co? Saka, hindi siya nag-ingay na may love life na siya. Tama ang mga fans nito na ang mga netizens ang maiingay sa love life ng aktres-businesswoman.
Hindi si Ruru… MIKOY, SI MIKEE ANG NAPILING MAGING ‘BEST WOMAN’ SA KASAL
ANG ganda ng friendship nina Mikee Quintos at Mikoy Morales na nagsimula noong mas bata pa sila at hanggang ngayon, friends pa rin ang dalawa.
Suportado ng isa’t isa ang kani-kanyang love life at sa kasal ni Mikoy, si Mikee ang napili niyang maging “best woman” na ikinaiyak ng Kapuso actress.
Sey niya, “My best friend asked me to be his BEST WOMAN a few nights ago!!! Swipe right if you wanna watch me struggle through reading his letter.
“No matter how scary the jump is... You jump, I jump - @mikoymorales. I got you. Can’t wait to spend the rest of my life with you and @isagarsha.”
Kasamang ipinost ni Mikee ang letter ni Mikoy na tinanong siya ng “Will you be my Bestwoman?” pati ang video habang binabasa ni Mikee ang letter ni Mikoy na he’s getting married habang kausap ang aktor.
Ipinost din ni Mikee ang birthday greetings sa kanya ni Mikoy na tinawag siyang ‘one of his best energies in his life, the sister that he never had.’
Ayun, naiyak na nga si Mikee lalo na nang magpasalamat si Mikoy for loving his fiancée.
Of course, tinanggap ni Mikee ang imbitasyon ni Mikoy to be his best woman. Abangan natin kung ano ang magiging role ni Ruru Madrid sa wedding nina Mikoy at Isa dahil kasama si Ruru nina Mikee at Mikoy sa best friend circle nila.
Sayang pala at hindi pa yata nagkakasama ang magbe-best friend sa series ng GMA-7. Sina Mikoy at Mikee pa lang ang nagkatrabaho at ang madalas magkasama ay sina Mikoy at Ruru.










Comments