top of page
Search
  • BULGAR

After ng 2nd wedding… MADIR NI ANGELICA, HUMIHIRIT NG ISA PANG APO

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Abril 21, 2024



Bumabaha ngayon sa social media ang mga kaganapan sa welcome dinner ng mag-asawang Angelica Panganiban at Gregg Homan para sa kanilang second wedding na ginanap sa Siargao.


The beach wedding was held yesterday, April 20, pero bago ito ay nag-host ng welcome dinner ang mag-asawa para sa kanilang mga bisita noong April 19 nang gabi.


Makikita sa mga Instagram Stories ng mga guests ang photos and videos sa naganap na pre-wedding dinner na dinaluhan ng pamilya at mga kaibigan ng mag-asawa.


Spotted nga sa event ang mga BFFs ni Angelica na parte ng AngBeKi squad na sina Kim Chiu and Bela Padilla with Swiss boyfriend, Norman Bay, Anne Curtis, Agot Isidro, Andoy Ranay, Cherry Pie Picache, Maxene Magalona, mag-asawang Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos among others.


Makikita rin sa mga larawan and videos na lahat ng bisita ay all-white ang attire, including the bride na ang ganda-ganda sa kanyang maxi beach dress.


Base sa mga naglabasang photos and videos, napakabongga ng event at masayang-masaya ang lahat lalo na nga ang bride and groom. Panay din ang sigawan at tawanan ng mga bisita.


Pero, nang magbigay na ng speech ang nanay ni Angelica na si Annabelle Panganiban or Mommy Ebela, naging emosyonal na ang mag-asawa.


Bahagi ng emotional speech ni Mommy Ebela, “'Nak, thank you sa lahat, ha? Deserve mo lahat kung anuman ang nangyayari sa ‘yo. Mahal na mahal kita.”


Nagbilin din siya kay Gregg na, “Huwag mong pababayaan si Angel, saka si Amila.”


Sa ending ay humirit pa ang nanay ni Angelica at humiling ng isa pang apo.


“Wish ko na lang, isa pang apo,” sey ni Mommy Ebela at natawa ang mag-asawa pati na ang mga bisita.


May isa nang anak sina Gregg and Angelica, si Baby Bean or Amila Sabine.

 

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page