top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

After ng 2 kasal… SNOOKY, IKAKASAL ULI, KAY EX-VICE-GOV. VILLARAMA NAMAN

BULGAR
Apr 11, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 11, 2022




Halos maiyak sa tuwa ang mga nakasaksi sa pagpo-propose ni Congressman Ramon Villarama kay Snooky Serna.


Kaarawan ni Kookie nang maganap ang nasabing proposal na labis na ikinabigla ng aktres.


Akala ni Snooky ay isang simpleng pagsasama-sama lang ng kanyang pamilya at pamilya ni Mon Villarama para sa kanyang kaarawan. Hindi niya inakala na doon na magaganap ang pagpo-propose ni Mon.


Masayang-masaya ang lahat para kay Snooky Serna. Pagkatapos ng dalawang failed marriages, deserve naman daw niya na makatagpo ng tunay na pag-ibig.


Si Mon Villarama ang ibinigay ng Diyos kay Snooky upang makasama niya for the rest of her life.


Unang nakasal si Kookie sa aktor na si Ricardo Cepeda kung saan may dalawa silang anak na babae. Pero, nagkahiwalay sila ni Ricardo.


Muli siyang umibig at nagpakasal sa rakista-band member na si Nino Mendoza. Hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama.


Sa kabila ng mga kabiguan, hindi isinara ni Snooky ang kanyang puso sa pag-ibig. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Ramon Villarama na dating vice-governor sa Bulacan. Dati na silang magkaibigan at magkakilala at hindi nila inakala na sila pa rin ang pagtatagpuin ng tadhana upang magkasamang muli at maging magkatuwang sa buhay!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page