After mawala sa AllTV… WILLIE, MAY PASABOG SA JUNE
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 27, 2023

Ngayon pa lamang ay nag-aabang na ang mga loyal viewers sa pagbabalik ng programang Wowowin ni Willie Revillame.
May balita kasi na may malaking announcement ang TV host ngayong darating na Hunyo.
Pero, alam ng lahat na may kinalaman ito sa dati niyang programang Wowowin.
Malaki ang posibilidad na magbabalik sa telebisyon at magiging visible na naman si Willie.
Tiyak na marami na naman ang matutulungan ng TV host na talagang na-miss ng mga tao at lalung-lalo na ng mga senior citizens na love na love siya.
Bago pa nagkaroon ng COVID pandemic, kahit paano ay patuloy pa rin si Willie sa pagtulong sa mga tao tulad ng pagbibigay ng mga ayuda at perang pambili ng mga gamot.
Ngunit, pansamantala itong natigil dahil hindi pa handa ang AllTV sa pag-ere ng programang Wowowin sa kanilang network.
Ganunpaman, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga loyal viewers ng Wowowin dahil alam nilang nalalapit na ang pagbabalik ni Willie.
Naghihintay na lang ang mga ito sa nakatakdang big announcement ng TV host sa darating na Hunyo.





Comments