After maudlot ang kasal kay Vincent… BEA, TANGGAP NA TATANDA NANG DALAGA
- BULGAR

- 8 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 14, 2026

Photo: IG _robinpadilla & _supremo_dp
Marami ang concerned sa emotional status ngayon ni Bea Alonzo matapos maudlot ang pagpapakasal nila ng businessman na si Vincent Co.
Mahihirapan na raw si Bea na makatagpo pa ng lalaking mag-aalok sa kanya ng kasal. Dahil sa kanyang mga naipundar na kabuhayan, magdadalawang-isip na ang isang lalaki na siya ay ligawan. Tiyak na mag-aalangan ang sinuman.
Sey naman ng aktres, walang dapat ikabahala ang mga fans sa kanya kahit wala siyang love life ngayon. Tanggap naman niya na hindi lahat ng relasyon ay nauuwi sa pagpapakasal.
Maaaring may mga babaeng itinakda na makasal at magkaroon ng sariling pamilya. Pero si Bea Alonzo ay ayaw magpa-pressure at magpadikta sa expectations ng mga tao sa kanyang paligid.
Kahit na ang lahat ay nag-aabang na siya ay makasal, hindi raw iyon ang kanyang ultimate goal. Focused lang siya sa kanyang showbiz career at excited siya sa bago niyang serye sa GMA-7, ang Whispers from Heaven (WFH).
Thirteen years nang hindi nagkita sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap matapos nilang magkasama noon sa pelikulang My Little Bossings (MLB). Pareho pa silang bata noon at nasa height ng kasikatan si Ryzza Mae. Nakasama nila sa movie sina Bossing Vic Sotto at Kris Aquino.
Kaya ang laking gulat ni Ryzza Mae nang mag-guest si Bimby sa Eat… Bulaga! (EB!) upang batiin siya sa kanyang 21st birthday noong June 12. Kinantahan pa siya ni Bimby bago lumabas sa studio.
Tuwang-tuwa at gulat na gulat si Ryzza Mae sa sorpresa sa kanyang kaarawan. Niregaluhan pa siya ni Bimby ng mamahaling necklace.
Kuwento pa ni Bimby, si Ryzza ang kanyang first kiss on screen. Eksena nila ‘yon sa pelikulang My Little Bossings at ang cute nilang panoorin.
ANG ganda-ganda raw na buntis ng aktres-vlogger na si Alex Gonzaga. Blooming siya at maaliwalas ang kanyang aura kaya maraming nagsasabing baby girl ang kanyang magiging panganay na anak.
Pero pakiramdam daw niya, lalaki ang kanilang magiging panganay. Maging ang ilan nilang kaibigan ay nagsasabing baby boy ang isisilang ni Alex G.
Wala pang balita kung may gender reveal na silang gagawin. May mga nagtatanong kung kailan talaga ang due date ng panganganak nito. Malaki na kasi ang umbok ng kanyang tummy.
May nagsasabing mukhang 6 months preggy na si Alex, pero ayaw nilang magbigay ng detalye. Hangga’t maaari ay ayaw muna nila ni Lipa Vice-Mayor Mikee Morada na isapubliko ang lahat ng detalye para na rin sa proteksiyon ng kanilang baby.
Anyway, konting panahon na lang at hindi na maiinggit si Alex sa kanyang Ate Toni kapag siya ay nanganak na. Hindi na niya kukulitin ang kanyang mga pamangkin na sina Seve at Polly.
NANG muling magkita-kita ang orihinal na cast ng sitcom na Home Along Da Riles (HADR), hindi nila maiwasang balikan ang masasayang alaala ng yumaong Comedy King na si Dolphy.
Ibinahagi ng ilan sa kanila ang kani-kanilang mga anekdota tungkol sa kabutihan ng aktor, kabilang na ang kuwento ni Maybelyn Dela Cruz.
Ayon sa kanya, minsan ay nakiusap siya kay Mang Dolphy na dalawin ang isang batang may cancer na naka-confine noon sa East Avenue Medical Center. Sobrang tagahanga ng Comedy King ang naturang bata at may taning na ang buhay, kaya ang huling hiling nito ay makita nang personal si Dolphy.
Agad itong ipinarating ni Maybelyn sa aktor, at hindi nagdalawang-isip si Dolphy na puntahan ang bata sa ospital. Dinalaw niya ito at kinumusta, at maging ang ibang mga batang nasa cancer ward ay ipinatawag at binigyan niya ng pera.
Labis ang tuwa ng mga bata at staff sa ospital sa kabutihang ipinakita ng Comedy King, na kilala sa kanyang malasakit sa kapwa.
Ilang araw matapos ang pagdalaw, pumanaw ang batang tagahanga. Ngunit ayon sa kuwento, masaya ito dahil natupad ang kanyang hiling na makita nang personal ang kanyang iniidolo.





Beyond simply posting numbers, updates like these serve as a valuable public service. Many readers visit these pages daily, not only to check tickets but also to stay informed about jackpot draws and upcoming beauty camera online opportunities. Having a central place where results are consistently available saves time and makes the experience much more user-friendly. It is easy to overlook the effort involved in maintaining these updates, but regular readers certainly benefit from that dedication.