top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

After maudlot ang kasal… BEA AT VINCENT, NAG-UNFOLLOW SA ISA'T ISA, FAKE NEWS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 21
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 21, 2026



WINNER - BEA AT VINCENT, NAG-UNFOLLOW SA ISA'T ISA, FAKE NEWS_IG _jomar aviary TikTok

Photo: IG _jomar aviary TikTok



Nag-girl's night out sina Bea Alonzo at Anne Curtis last Wednesday na kumalat sa social media ang picture nila na magkasama.


May iba pang naki-join sa kanila na mga taga-showbiz that night.

Nasa picture rin nina Bea at Anne si Maris Racal, BINI Maloi at Direk Irene Villamor.


Halata sa suot na damit ni Anne na nu'ng isang gabi lang naganap ang kanilang pagkikita ni Bea. Ang branded striped black and white dress ni Anne ay pareho pa rin ng suot niya sa It’s Showtime (IS) nu'ng isang araw.


Duda naman ng ibang mga netizens na baka may gagawing proyekto na magkasama sina Anne at Bea under Direk Irene.


Ayon sa source namin, may meeting si Bea with her manager na si Shirley Kuan that night. Niyaya si Bea ni Anne na dumaan sa isang lugar para magkita sila pero hindi in-expect ng aktres na marami palang kasama si Anne.


And speaking of Bea, natatawa ang aming source sa kumalat na balitang in-unfollow ni Vincent Co ang aktres at vice-versa.


Hindi siya naniniwala na totoo ang tsikang iyon. In the first place, meron nga raw bang social media account si Vincent Co para i-follow si Bea?


Napaka-private na tao raw nito para mag-post ng kahit anong ganap sa kanyang buhay.

Unbelievable.





TINAPOS na ng Megastar Sharon Cuneta ang pakikipagtrabaho kay Barbie Forteza. Hindi dahil hindi feel ni Megastar si Barbie, huh?


Natapos na kasi nilang gawin ang mga eksena nila sa unang seryeng pinagsamahan nila. Mag-ina ang role na ginampanan nina Sharon at Barbie sa seryeng Honor Thy Mother (HTM).


Ipinost ni Sharon ang picture nila ni Barbie habang nasa set ng serye.

Caption ni Megastar, “With my very own sweet Barbie.”


Sa comment section ay nag-post si Barbie. Reak ni Barbie, “Waaahh!!! Always a pleasure being on the set with you po!”


Hindi naman pinalampas ni Mega ang comment ni Barbie.


Reply ni Mega, “See you again soon!”


Kinilig ang mga faney ni Sharon sa kanyang post.

“Pretty mo naman po, Mama. So excited for both of you.”

“Pareho po kayong sweet and blessed with luminous skin and a good heart.”

“Yay, finally something good to look forward to. Sana po makapag-vlog po kayo ni @barbaraforteza, Ate @reallysharoncuneta.”

“Parang mag-ina.”


True.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page