top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

After matalo sa pagka-pangulo… ISKO, BAKASYON GRANDE ABROAD KASAMA ANG PAMILYA

BULGAR
Jul 11, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 11, 2022




Marami ang nagtatanong, kumusta na kaya ngayon si Isko Moreno? Ano ang kanyang pinagkakaabalahang gawin? Bakit hindi na siya nagpaparamdam sa kanyang mga supporters? Babalikan ba niya ang pag-aartista?


Well, kahit hindi pinalad na manalo si Isko sa pinangarap niyang puwesto, nag-iwan naman siya ng magandang track record at legacy sa mga kapwa niya Manileño.


In fairness, maraming nagawa si Isko nang siya ay manungkulan bilang mayor ng Maynila. Naayos at nilinis niya ang Divisoria, Plaza Miranda, Sta. Cruz, Lawton at Quiapo Underpass.


Siya rin ang nagpa-renovate sa Manila Zoo na ilang dekadang napabayaan.


Nabigyan din niya ng disenteng tirahan ang mga dating squatters sa Tondo nang patayuan ng Tondominium ang nasabing lugar.


At higit sa lahat, naibalik niya at muling binuhay ang Metropolitan Theater na malaking bahagi ng history ng Maynila.


At noong panahon ng COVID pandemic ay nanguna ang Maynila sa pagbibigay ng ayuda sa mga residenteng mahihirap.


Maging sa pagpapabakuna ay hindi rin nagpahuli ang Maynila. Tinatanggap nila kahit ang mga walk-ins na hindi taga-Maynila.


Ang mga bagay na ito ay hindi malilimutan ng mga Manileños. Kaya naman, hinahanap nila si Yorme Isko upang iparating ang kanilang pasasalamat.


Sobra-sobra pa sa kanyang naipangako ang nagawa ni Isko para sa Maynila!


Balitang abroad ngayon at nagbabakasyon ang buong pamilya ni Isko Moreno. Bumabawi ito sa pagod niya noong eleksiyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page