top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

After makapagpiyansa… VHONG, PUWEDENG MAG-TRAVEL ABROAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 10, 2022
  • 2 min read

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | December 10, 2022



"We are very, very confident that because Ms. Deniece Cornejo has already testified, he will be acquitted. That's my fearless forecast," ang puno ng kumpiyansang pahayag na binitawan ni Atty. Alma Mallonga sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa ANC's Headstart.


Ayon sa abogado ni Vhong Navarro para sa kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa rito ni Deniece Cornejo, base sa cross examination na ginawa niya kay Deniece kung saan nakita nga ang mga 'inconsistencies' o hindi pagkakatugma ng mga isinagot nito ru'n sa tatlong salaysay na sinumpaan nito sa korte, malakas ang paniniwala niya na madi-dismiss ang rape case laban kay Vhong.


Kasunod nito, goal din daw nilang ma-dismiss ang acts of lasciviousness case laban sa TV host-comedian.


At bagama't may schedule na raw ng hearing hanggang sa year 2024, gustong hilingin sa korte ng abogado ni Vhong na mapabilis ang proseso ng paglilitis sa kanyang kliyente.


"I would want, I would pray and I would urge the prosecution to cooperate by expediting the case," ayon pa kay Atty. Mallonga.


Kinumpirma rin ng abogado sa naturang panayam na puwedeng mag-travel abroad si Vhong, but of course, kailangang may approval ng korte.


Wala rin naman daw pagbabawal na muling magtrabaho si Vhong at bumalik sa It's Showtime, pero dahil sa nasaksihan niyang bigat ng pinagdaanan nito mula nang ma-detain sa NBI at sa Taguig City Jail, pinayuhan niya ang TV host-comedian na kumalma at 'wag munang magbalik-trabaho.


Pinuri rin ni Atty. Mallonga ang pagiging professional ng mga taga-NBI at Taguig City Jail dahil tiniyak daw ang kaligtasan ni Vhong habang nasa kanilang custody at walang nangyaring masama sa komedyante tulad ng una nilang pangamba.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page