After maka-survive ang ate sa ospital… KIM, NAMUDMOD NG PAGKAIN AT LOOT BAGS
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 1, 2023

Puring-puri ng mga netizens ang isinagawang charity kahapon, Linggo, ni Kim Chiu bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong April 19.
Matatandaang hindi nakapag-celebrate ang aktres dahil nu'ng araw na 'yun ay isinugod sa ospital ang kanyang nakatatandang kapatid na babae na si Lakam.
Mahigit isang linggo rin sa ospital ang kanyang Ate Lakam at during those times ay talaga namang labis ang pag-aalala ni Kim to the point na hindi siya pumapasok sa It's Showtime.
Thankfully ay magaling na si Lakam at nakalabas na nga ito sa hospital, kaya abot-langit ang pasasalamat ni Kim.
Sa kanyang latest Instagram post ay ibinahagi ni Chinita Princess ang video mula sa isinagawa niyang charity. Makikita rito na namahagi siya ng mga pagkain at loot bags sa isang lugar sa Cavite.
Sa caption ay puro pasasalamat lang ang inilagay ni Kim at obvious na masayang-masaya siya.
"Maraming-maraming salamat po. I am truly grateful. I couldn't ask for any other birthday celebration than to see their hands full and happy faces. My heart is full. Thank you, Lord God.
Have a blessed Sunday everyone," ani Kim.
Hangang-hanga naman ang mga netizens sa aktres at anila, kaya raw blessed ito ay dahil sa mabuting puso nito.
"Good job, @chinitaprincess! Been following you for years and you never change when it comes to your generosity to others. Thankful for people like you. May you continue to help and support our fellow Filipinos. And may our Good Lord keep and bless you always," sabi ng isa niyang fan.
"Proud of you, @chinitaprincess kaya mahal na mahal ka ni God at hindi ka niya iniiwan sa lahat ng pagsubok ng buhay. 'Wag ka sanang magbabago sa magandang puso na meron ka. Happy birthday! We love you!" komento naman ng isa pa niyang supporter.





Comments