After maipasara ang ABS-CBN… CHARO, NAGSALITA NA SA PAGPASOK SA PULITIKA

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | November 14, 2020

Sa panayam ni Noel Ferrer sa programang Level Up kay Ma'm Charo Santos, naihayag ng dating ABS-CBN president kung gaano siya nasaktan sa pagsasara ng network nu'ng 'di payagan ng Kamara ang hiling na franchise renewal nito sa kanilang house hearing noong July, 2020.
“I couldn’t describe the pain when ABS-CBN was shut down... That was very traumatic for me, as well, even if I am retired from the company," hinaing ni Charo.
"I felt so much pain and extreme sadness," dagdag pa ni Ma'm Charo.
Ikinumpara ni Charo ang naramdamang sakit sa isang ina na nawalan ng anak.
“Parang sakit ng isang ina na ipinagbuntis mo ‘yung anak mo nang siyam na buwan, iniluwal mo, pinalaki mo, inaruga mo, tapos nakita mo na pinatay at wala kang magawa. Helpless ka. Masakit. I’m still grieving," emosyonal na pahayag ni Charo.
Sa nasabing interview, ibinahagi rin ni Charo ang kanyang pananaw tungkol sa pulitika at ayon sa kanya, wala siyang balak pasukin ito.
"Hindi ko naiisip ang buhay-pulitika. Wala siya sa DNA ko. It’s not in my consciousness. I don’t chart my life. Hindi ko talaga alam ang buhay-pulitika. I will just choose to do my kind of public service the quiet way.”
Naikuwento rin niya ang buhay o pinagdaraanan sa panahong ito ng quarantine.
"I did not have much adjustments to make. I am not a party person. Okay lang sa akin ang tahimik na buhay. Enjoy ako watching K-dramas and reading," ani Charo.
Sa kanyang isolation from showbiz, naikuwento rin nito na unti-unti niyang pinag-aaralan ang pagtipa ng piano.
Health-conscious din si Charo kaya't binibigyan din niya ng panahon ang pagte-treadmill.
“Before, tinitingnan ko lang at dinadaan-daanan ko lang. I wouldn’t last ten minutes on the treadmill. Bababa na agad ako. These days, nakaka-30 minutes na ako. You just go with the flow," sabi niya.





Comments