top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

After magpasilip ng boobs, Tom… CARLA, NAGPAPIKTYUR NANG NAKABUKAKA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 13, 2022



Patikim lang pala ni Carla Abellana ang ipinost na photo niya na may pasilip ng cleavage dahil sinundan ‘yun ng pagpo-post ng larawan niyang nakabukaka.


Ang singit naman daw ni Carla ang kanyang ipinasilip, kaya ang daming nag-comment ng burning fire emoji sa post niya.


Pansin lang namin na karamihan sa mga comments, focused sa magandang mukha ni Carla, gaya ni Mariel Rodriguez na ang sabi, “Whataa faaaace, grabe!”


“Gandaa!” comment ni Agot Isidro.


“Napakaganda naman,” comment ni Carmi Martin.


“Gorgeous” sabi naman ni Camille Prats.


'Kaaliw ang hashtag ng isang fan na #nasaktan #nagmoveon #nagbloomandgrow.


May nagtanong namang netizen kung bakit ngayon lang nagpaseksi si Carla at may nagsabi namang kamukha niya ang foreign actress na si Rachel Weiz.


Majority sa mga comments, nagsabing ang ganda ni Carla at walang kumontra rito.


And speaking of Carla, habang hindi pa sila nagsisimula sa big promo ng Voltes V: Legacy, sa guesting sa mga shows ng GMA-7 muna siya napapanood.


In her free time, tuloy ang paggawa niya ng handcrafted soap na sa ganda, parang cake ang dating.


Gumagawa rin si Carla ng scented candle na maganda pa rin ang packaging at aakalaing fruit salad o kaya’y ginataang bilu-bilo. Sayang at para lang sa mga friends niya ang soap at scented candles na ginagawa ni Carla dahil kung ibebenta niya, madaling maso-sold-out.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page