top of page

After magpakasal kay Matteo… SARAH, MOVIE AT BIG CONCERT ANG KAILANGAN PARA MANATILING SIKAT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 31, 2025



Photo File: Sarah G - IG


Bukod sa pagkakaroon ng sariling G Studio at G Productions, may sarili na ring record label ngayon si Sarah Geronimo, ang G Music.


At sa kanyang first release ay nakipag-collab si Sarah sa SB19 at ini-record ang awiting Umaaligid. Marami pang gustong gawin ang Popstar Royalty at suportado siya ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli. 


Sabi nga ni Matteo, ang pagkakaroon ng sariling record label ay bahagi ng mga pangarap ni Sarah at ilang taon din nila itong pinag-aralan at pinagplanuhan upang ganap na maisakatuparan.


At sa tulong ng kanilang mga mentors ay nabuo nga ang G Music.

Ganunpaman, ang hinihintay ngayon ng mga loyal fans ni Sarah Geronimo ay ang muli niyang paggawa ng pelikula at pagkakaroon ng malaking concert. Kailangang uminit at sumiglang muli ang career ni Sarah. Kailangan niya ng exposure sa TV at pelikula upang hindi siya mawala sa mainstream. 



BUMUHOS ang papuri kay Barbie Forteza mula sa mga nakapanood ng horror movie na P77 na produced ng GMA Pictures at Warner Bros.


Napakagaling daw umarte ni Barbie kahit na sa horror film. Maging ang mga direktor na nakatrabaho niya sa mga serye at pelikula ay nagsasabing napakagaling na artista ni Barbie Forteza.


Mapa-drama, comedy o horror ay kaya niyang gampanan. Through the years ay nahubog nang husto ang talento ni Barbie sa pag-arte. Kaya ganu’n na lamang ang tiwala sa kanya ng GMA Network.Napaka-professional sa trabaho at marunong makisama si Barbie Forteza. Panahon na rin upang mabigyan siya ng mas mabibigat na roles at de-kalidad na project upang mag-level-up ang kanyang pagiging aktres.


Deserve ni Barbie Forteza na magkaroon ng marami pang acting awards.



MARAMI ang pumuri sa anak ni Katrina Halili na si Katie. Kahit na may mild autism ito ay marunong magpasalamat at tumanaw ng utang na loob.


Sa isang post sa social media ay nagpa-thank you si Katie sa GMA Network dahil binigyan daw nila ng work ang kanyang mom na si Katrina Halili. At ‘pag may work ang mommy niya, may pambili na siya ng candy.


Mahilig ding mamigay ng pagkain si Katie sa kanyang mga kaklase kahit walang okasyon. Kaya kapag nag-grocery sila ng kanyang Mom Katrina ay bumibili sila ng mga ipamimigay sa kanyang mga classmates. 


Nagpapasalamat naman si Katrina sa mga teachers ni Katie dahil nagagabayan at pinagmamalasakitan ng mga ito ang kanyang anak. Sobrang malambing si Katie kaya mahal na mahal ni Katrina Halili.



MUKHANG hindi na lang sa pagluluto ng masasarap na recipes ang sentro ng vlog ng Mommy Grace ni Miguel Tanfelix. Napagod na rin yata ito sa pagluluto kaya iba-iba na ang kanyang content ngayon.


Nagti-TikTok na rin siya at umaakting-akting na rin.Pang-dramatic actress ang peg ni Mommy Grace. Puwedeng-puwede niyang gawing career ang pag-aartista.

Marami rin ang naaaliw sa ginawang version ni Mommy Grace  ng viral reel na “Pagod na pagod na ako” na ginawa na rin nina Pokwang, Kylie Padilla at Melai Cantiveros.


Sa totoo lang, pinakagusto namin ang version ni Mommy Grace Tanfelix ng naturang viral reel. With feelings talaga! 


At kapag napagod na siya sa pagluluto, puwede na rin siyang mag-artista dahil may talent siya sa pag-arte.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page