After magbakasyon sa Australia… 3 SA PAMILYA NI SHARON, NA-COVID
- BULGAR
- Nov 3, 2022
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 3, 2022

Tinamaan ng COVID ang tatlo sa pamilya ni Megastar Sharon Cuneta pagdating nila ng bansa mula sa ilang linggong bakasyon sa Australia.
Pero ‘di na pinangalanan ni Sharon kung sinu-sino ang tatlong members ng kanyang pamilya na nag-positive sa COVID-19.
Ito ang malungkot na balita ni Sharon na ipinost niya sa kanyang Instagram kahapon.
Dahil dito, nanghingi ng panalangin si Megastar para sa paggaling ng kanyang mga kapamilya and household staff.
Caption ni Mega sa kanyang IG post na piktyrur ng testing kit, “Should’ve been a happy homecoming from Australia, but 3 family members now down with COVID. Please pray for the rest of our family and our household staff. (crying and praying hands emojis)
"We use Aria tests made by Kakie’s genius best friend. Super accurate,” pahabol pa ni Mega.
Kasama ni Megastar sa kanyang tour sa Melbourne, Australia — kung saan ginanap ang kanyang latest solo concert — ang kanyang “neybor” na si former Senator Francis “Kiko” Pangilinan at mga anak na sina Frankie, Miel and Miguel.
Sa comment-post ni Ogie Alcasid sa IG na panalangin para sa kanyang BFF na si Mega, ini-reveal ng singer/actress ang pagkansela ng appearance niya sa ASAP Natin ‘To show sa Las Vegas, USA.
“@ogiealcasid Thank you BFF ko, my love… So sorry I cannot be with you in ASAP in Vegas…
am so upset and worried. Love you and Nana.”
So, no choice si Mega kundi mag-“lockdown” ulit sa kanyang bonggacious na condo sa Makati City.





Comments