ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 5, 2024
Photo: Kathryn Bernardo - IG
Overwhelming ang tagumpay ng Hello, Love, Again (HLA), na nagtala ng kitang P1.4 billion at patuloy na pinapanood ng marami. Dahil dito, may plano na raw para sa part 3 ng KathDen movie.
Ayon sa ilang psychics, magtatagumpay pa rin ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa takilya.
Gayunpaman, mukhang may ibang plano si Kathryn para sa kanyang career sa 2025. Gusto niyang mag-solo muna at tumanggap ng mas mature na roles, pahinga sa tambalan nila ni Alden Richards.
Sinasang-ayunan naman ito ng ilang movie critics na naniniwalang makakatulong ito upang mag-level-up ang pagiging aktres ni Kathryn.
Bagama’t malulungkot ang KathDen fans sa pansamantalang paghihiwalay nila ni Alden, inaasahan naman ng marami na magtatagumpay pa rin si Kathryn sa kanyang bagong yugto bilang solo artist.
PUMAYAG ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor na magkaroon ng cameo role sa musical version ng Himala, na isa sa mga entries sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.
Ang script ay isinulat ng National Artist na si Ricky Lee, dahilan kung bakit napa-oo si Aunor sa proyekto.
Ang orihinal na pelikulang Himala ay kinilala hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa at nanalo ng maraming parangal. Dahil sa iconic status nito, nagkaroon ng musical version na tiyak na aabangan ng mga Noranians at moviegoers.
Maraming nagtatanong kung ano ang magiging papel ni Nora Aunor sa pelikula, na inaasahang magiging isa sa pinakamalaking highlights ng MMFF 2024.
DALAWAMPU’T limang taon nang bahagi ng GMA Network si Arnold Clavio, kaya naman muli siyang pinapirma ng kontrata at mananatiling Kapuso.
Bukod sa mga programang Unang Hirit (UH) at Saksi, marami na siyang nagawang proyekto sa network. Mayroon din siyang daily radio program sa DZBB.
Isa si Arnold sa pinakamasisipag na news anchors/hosts ng GMA. Subalit, pinapayuhan siya ng kanyang mga kaibigan at mga fans na maghinay-hinay muna sa trabaho, lalo’t minsan na siyang inatake at naospital nang ilang buwan. Mahalaga ang kanyang kalusugan, kaya kailangan niya itong ingatan.
Si Arnold ay naging mentee ng yumaong veteran news anchor na si Mike Enriquez (SLN), na marami raw naituro sa kanya noong sila’y magkatrabaho. Dahil dito, lubos siyang nagpapasalamat sa naging impluwensiya ni Mike sa kanyang career.
Comments