After mag-away, suot na uli ang wedding ring… ALJUR, TINAWAG NA 'REYNA' SI KYLIE NU'NG WOMEN'S DAY
- BULGAR

- Mar 11, 2021
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 11, 2021

Sa gitna ng mga tsikang hiwalay na sila, nagbigay-pugay si Aljur Abrenica sa asawang si Kylie Padilla kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day.
Nag-post ang aktor ng mga series of photos ni Kylie sa kanyang Instagram page at sa caption, tinawag niya itong kanyang reyna.
“Many faces of our Queen,” ang maikling caption ni Aljur.
Ilang araw na ring pinagpipistahan sa showbiz ang diumano’y hiwalayan nina Aljur at Kylie pero hanggang ngayon ay wala pa silang opisyal na pahayag tungkol dito kaya naman lahat ay nagtatanong kung ano ba talaga ang totoo.
Kung pagbabasehan kasi ang mga posts nila lately, parang sinasabi nilang all is well between the two of them.
Sa magkahiwalay na post ay pareho nilang ipinakitang suot pa rin nila ang kanilang wedding ring. At ngayon nga ay may pa-tribute pa si Aljur sa asawa.
Pero kapansin-pansin din naman na matagal-tagal na ring wala silang post na magkasama at ito nga rin ang dahilan kung bakit sila natsismis na hiwalay na.
Anyway, natuwa naman ang kanilang mga fans sa tribute post ni Aljur at komento nga ng isa, “Omg. So happyyy to see her again on your feed.”
Ang iba naman ay parang nakahinga nang maluwag na makitang okay na ang mag-asawa’t mukhang naayos na ang problema. Wish nila ay patuloy na maging matatag ang samahan ng dalawa at malampasan ang lahat ng pagsubok.




Comments