top of page

After mabulgar na may 2 anak na rin kay AJ ang ex-mister… KYLIE, IFINLEX SA SOCMED ANG FAMILY PIC NILA NI ALJUR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 2 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | August 26, 2025



Aljur Abrenica at Kylie Padilla - IG

Photo: Aljur Abrenica at Kylie Padilla - IG



Lumabas last Sunday (Aug. 24) ang socmed (social media) post ni Kylie Padilla na nagpapasalamat kay Aljur Abrenica dahil sa ‘daddy duties’ sa mga anak nila.


May pinuntahang circus ang mag-iina at sinamahan sila ni Aljur, that resulted to having them a family picture na ikinagalak ng mga nakasubaybay sa kanila.


Sey pa ni Kylie, nanatili naman silang magkaibigan ng dating asawa at maayos ang co-parenting system o agreement nila.


Sa naturang post, sinabi nitong hindi lang daw naibabalita na matagal na silang nag-uusap ni Aljur at very open ang mga linya ng komunikasyon nila lalo’t para sa kanilang dalawang anak.


At dahil lumabas nga kamakailan na mayroon na rin palang dalawang anak si Aljur sa current partner nitong si AJ Raval, marami ang nagwa-wan-plus-wan na obligado nga ang aktor na ilabas na sa socmed (social media) ang kanyang ‘daddy duties’ sa mga anak niya kay Kylie Padilla.



“PARA lang hindi na s’ya kuwestiyunin sa panalo n’ya,” reaksiyon din ng netizen sa ginawang pambubuking ni Jeric Raval sa anak na si AJ at partner nitong si Aljur Abrenica.


Mas pinag-usapan nga ang pagkukuwento ni Jeric na may dalawa na ngang anak sina AJ at Aljur, at ine-enjoy niya ang kanyang pagiging lolo sa mga ito.


At dahil tinalo nga ni Jeric sa katatapos na FAMAS Awards Night as Best

Supporting Actor ang gaya nina Ruru Madrid, Jhong Hilario, Sid Lucero, Will Ashley at Joel Torre, siyempre, marami ang nagtaas ng kilay.


“Magaling s’yang maglihis ng intriga. Kesa nga naman kulitin pa s’ya kung bakit n’ya tinalo ang mga umano’y higit na magagaling sa kanya, iniba na lang n’ya ang kanyang narrative,” hirit pa ng mga intrigerong Marites. Hahaha!


Pero ganu’n naman talaga ang mga award-award, ‘noh? Laging may intriga sa mga winners. Ano bang pakialam natin kung sa panlasa ng mga umupong jury ay higit na lumutang si Jeric Raval?  



KAHIT ang gaya ng The Clones (TC) segment ng Eat… Bulaga! (EB!) ay hindi rin nakaligtas sa mga batikos.


Sa nakaraang grand finals para sa Classic Male category nila that featured the clones o kaboses nina Basil Valdez, Elvis Presley, Matt Monro, Julio Iglesias at Eddie Peregrina, sangkaterba rin ang mga hindi masaya ang reaksiyon.


‘Yung kaboses ni Basil Valdez ang nanalo (to which we agree na talagang kuhang-kuha at dikit na dikit sa boses ng idol natin) and yet, may mga nagkukuwestiyon na dapat daw ay nanalo rin ‘yung kaboses ni Matt Monro.


Naging runners-up kasi ‘yung boses-clone nina Eddie Peregrina at Elvis Presley.


“Kaya nga bigla na naman silang gumimik na magkaroon ng resbak o wild card para pabalikin ‘yung mga naging runner-up at natalo,” sey ng mga netizens.


At dahil damay na damay si Kapatid Allan K. bilang nagiging bahagi pala ng kanyang The Klownz ang mga nananalo sa show, hindi rin maiiwasang intrigahin siyang ‘may influence o hand’ umano ito sa resulta ng contest.


Binanggit nilang example ang ilan sa mga naging kalahok (at mga nanalo pa) na may regular na pala na ‘puwesto’ sa naturang comedy bar?


Ahhh, so?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page