top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

After kumpirmahin ng mister ng singer… JASON DY, DAMAY SA HIWALAYANG JASON AT MOIRA

BULGAR
Jun 2, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 2, 2022



Lumabas na ang katotohanang hiwalay na ang mag-asawang Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez.


Last April, may lumabas nang hiwalay ang dalawa nang makita ng kanilang mga followers na dinelete lahat ni Moira ang photos nila ni Jason sa kanyang Instagram account kasabay nang pag-a-unfollow dito.


Marami ang nag-speculate na hiwalay na sila pero 'pinatay' agad ni Moira ang usok nang i-tag niyang muli ang kanyang husband.


Pero, nu'ng Lunes nang gabi (May 31) shocked ang mga fans at followers ng singer nang may joint statement silang mag-asawa sa kanilang IG confirming the breakup.


Three years pa lang na kasal sina Jason at Moira kaya naman marami ang nalungkot na nauwi agad sila sa hiwalayan.


Samantala, may nag-tweet naman na isang fan sa singer na si Jason Dy kung saan galit na galit ito sa panloloko raw kay Moira.


In-screenshot ng singer ang tweet na pumasok sa kanyang account na ang laman ay, "Grabe ka, Jason, nagawa mo pang mag-cheat kay Moira????? Ano bang kulang sa kanya, 'di ka na naawa. Mga Leo talaga. Ayos-ayusin n'yo lang mga buhay n'yo, iniiwanan n'yo ng trauma ang tao."


Sagot ni Jason Dy, "Hindi po ako 'yun."


Hahahaha! Nadamay pa ang kapangalan lang naman ng mister ni Moira!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page