After kumanta tungkol sa kasal… KATHNIEL, NAGPAPLANO NA SA KANILANG BAHAY

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 21, 2020

Kung noong nakaraang linggo, bukas sa isipan ng magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang usapang kasal, this time, ang concept o disenyo ng ipapatayong bahay na ang kanilang pinaplano. Gusto ng dalawa na ang bahay na kanilang ipapatayo ay dapat maging picture perfect.
Inilatag ng actor ang kanyang vision para sa kanilang future house ni Kathryn sa ginanap na digital conference ng The House Arrest of Us nitong nakaraang October 14, 2020.
Lahad ni Daniel, "Importante sa amin ang interior design ng bahay, eh, so, hilig naming gawin ni Kathryn 'yun. Mahilig kaming tumingin ng mga bahay, ng mga designs.
"Si Kathryn, medyo mahilig siya sa mga contemporary. Gusto niya, modern contemporary. Ako naman, medyo Mediterranean ako, eh."
Dapat daw ay mapagkasunduan ng dalawa ang style at design ng kanilang future house.
Sey pa ng aktor, "Kailangan naming ibalanse 'yung dalawang gusto namin."
Sabi pa ni Daniel, kasabay na pinaplano ni Kathryn ang kanilang future house at ang dream house ng aktres para sa kanyang pamilya. Sa katunayan, uumpisahan na dapat ngayong taon ang dream house ng mga Bernardo, pero dahil sa lockdown na dulot ng pandemic, naudlot ang construction nito.
Sabi ni Daniel, "Ngayon, sa amin, wala pa. Kung meron man, ipapagawa namin iyon. Ipapagawa namin."
Dati nang pinaplano ng magkasintahan ang tungkol sa bahay na ipapatayo nila. Sa katunayan, noong livestream show ng aktor nu'ng July, 2020, Daniel and Kathryn talked about their future together under one roof.
Pahayag ni Kathryn, "Siyempre, dream namin 'yung bahay namin in the future, pero hindi pa naman talaga 'yun mangyayari kasi it's too early. Pero, of course, nandu'n 'yun sa wishlist namin. Dream ko kasi magkaroon kami ng parang boutique hotel at farm.
"Ako magma-manage nu'n, ako magluluto. Gagawa ako ng mga rice bowls, ganyan. Tapos, siya [Daniel], tutugtog lang siya ru'n," masayang bitaw ng aktres.





Comments