top of page

After kumalat sa socmed ang screenshot ng convo ng mag-asawa… BOY, ILALABAS ANG TOTOO SA HIWALAYANG RUFA MAE-TREVOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 11, 2024
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 11, 2024



Photo: Fast Talk with Boy Abunda - IG Rufa Mae Quinto


Kasalukuyan nang nasa Amerika si Rufa Mae Quinto, pero ang sitsit sa kanila ng asawang si Trevor Magallanes ay hindi pa rin namamatay. May problema umano ang estado ng kanilang pagsasama, kahit na sinabi ng komedyanang aktres na okey silang mag-asawa.


Napabalita pa ngang hiwalay na sila na pinabulaanan naman ni P-Chi (palayaw ni Rufa Mae).  


May kumakalat daw kasing screenshots sa umano’y palitan ng mga salita ng mag-asawa na tila may hindi pagkakaunawaan.  


Sa Fast Talk With Boy Abunda (FTWBA) nitong Lunes ay naging topic ng dating manager ni Rufa Mae na si Boy Abunda ang isyung kinasasangkutan ng aktres at ng asawa nito.  


Ayon sa King of Talk, aware rin siya sa mga kumakalat na screenshots ng conversation nina Rufa Mae at Trevor, pati 'yung report na galing daw sa pulisya sa Hawaii na may kinalaman sa mister ng komedyana, pero sinusubukan pa raw niyang i-validate ang lahat ng ito sa abogado ni P-Chi na si Atty. Mary Louise Reyes.


“Kung ano ang developments sa balitang ito ay ibabahagi ho namin sa inyong lahat.”  

Ibabahagi raw ni Kuya Boy ang lahat kapag naglabas na ng pahayag at paliwanag ang legal counsel ng aktres.  



Nang magpunta ng Dubai sina Alden Richards at Kathryn Bernardo kamakailan para sa promo ng kanilang Hello, Love, Again, 'di sila umuwi hangga't 'di nag-i-skydiving. 


Enjoy ang KathDen, dahil sa sobrang busy nila nitong nakaraang buwan, nag-unwind ang dalawa para makasagap ng fresh air.  


Sabi nga ng kanilang mga fans, “I’ve just watched Hello, Love, Again (HLA). May hangover pa ako, so I see Joy & Ethan having fun!”


Eto naman ang feeling ng isang commenter, “Ako lang ‘to, ha?! Pero never ako nakaramdam ng kilig sa dalawang ‘to and wala silang dating sa ‘kin.”

Sey ng ibang fans:


“Totoo, sobrang hyped sila, wala namang chemistry.”

“Wala naman talaga.” 


“Si Alden, mukhang malabong magkagusto or manligaw kaya walang spark sa kanila ni Kathryn.”  


Palibhasa, tapos na ang movie ng dalawa at kumita na rin nang husto, kaya iba na naman ang mababasang komento sa KathDen:


“Hindi naman talaga lahat kikiligin, lalo na kung KathNiel (Kathryn at Daniel Padilla) fan ka.” 


“Tell that to the billions they are making. I am sure they will be fine without you,” sagot naman ng isa.


“Reel couple. Business is business, ang importante, kumikita.”  


“Ito rin ‘yung iko-comment ko. Akala ko, ako lang ang hindi talaga nakaramdam ng kilig sa kanila. At sana, ‘wag kayong magalit sa ‘min na hindi kinikilig sa kanila.”


“Iba pa rin ang kilig 'pag si Deejay kasama ni Kath.”  


“Kahit they look like BFFs lang, oks na may ganyan na guy friend si Kathryn. Good boy.” 


“Swak sila ng hilig sa extreme adventures. Nice!”


“‘Yung may nag-comment na walang chemistry? Seryoso? Hahaha! They have overflowing chemistry. How can you explain the P1.4B and counting na box office results ng movie nila? Daming inggitera sa tabi. Hahaha!”  


“True. P1.4B na ang kita ng movie nila, tapos wala raw chemistry. Make it may sense naman, mga haters.”  


“Kathryn looks happier. But I have a feeling that they’re just very good friends.”


“Kilig to the max, aketch (ako)!!! Sana, sila na ang endgame!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page