After kumalat na natigil ang sustento sa kapatid… GRETCHEN, IPINAGSIGAWANG NAMI-MISS SI CLAUDINE
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 23, 2022

Base sa Instagram post ni Gretchen Barretto nitong Biyernes ay maayos naman sila ni Claudine Barretto at sa katunayan ay sinabihan niyang nami-miss niya ang kapatid.
Sa IG post ni Greta ay isa-isa niyang ipinakita ang mga santo sa bahay at ganu'n din ang santo ni San Lazaro na ipinadala sa kanya.
Aniya, “Today I just received a note from Dr. Cherry Abrenica and the doctors at San Lazaro Hospital and they gave me San Lazaro (ipinakita ang santo), so it’s now here. This is the area where I pray every day.”
May collection pala si La Greta ng mga santo na iniregalo sa kanya ng mga kaibigan at ang Lady of Manaoag ay bigay ng partner niyang si Ginoong Tony Boy Cojuangco, dahil alam nitong pumupunta siya sa Manaoag Church sa Pangasinan.
Binigyan din siya ng Lady of Perpetual Help ng kaibigang si Ana Abiera dahil devotee siya sa Baclaran.
Pinasalamatan ni Gretchen ang mga frontliners ng San Lazaro Hospital, “Thank you for receiving my team warmly. We were able to give thanks to our frontliners at San Lazaro today.”
Nabanggit ding namahagi siya sa St. Luke's Global kahapon, Sabado nang umaga.
“We will give all the staff not just that frontliners but the whole staff, janitors and everybody.”
Inalagaan daw kasi ang mama niyang si Gng. Inday Barretto noong nagka-COVID-19.
Kaya pakiusap daw ng ina, “Anak, ang hirap talaga ng trabaho nila ru’n. Can you send them love boxes?"
"Sabi ko, ‘Mom, mahirap ang love boxes mag-prepare, so we'll send them ayudas to all and on Monday, PGH frontliners, so we will keep you updated.”
Nagkomento naman si Claudine sa video post na ito ng ate niya, “Soooo beautiful my Ate (3 hearts emoji)."
Sagot naman ni Greta, “@claubarretto My baby girl, you are the most beautiful to me, my love! Miss your pretty face and bratty ways.”
So, okay ang magkapatid at hindi totoong may isyu sila dahil natigil diumano ang buwanang sustento ni Gretchen sa kapatid.





Comments