After kumalat na nangutang kay Lolit, nahiya na… TULONG NG MGA CO-STARS, TINANGGIHAN NI MARK
- BULGAR
- Aug 22, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 22, 2021

Tama lang na binitawan na ni Manay Lolit Solis si Mark Herras at ipinaubaya na lang sa GMA Artist Center ang pagma-manage sa career ng dati niyang alagang aktor.
At her age na 73 yrs. old, hindi na dapat nagpapa-stress si Manay Lolit lalo na kung pasaway ang kanyang talent.
Nagawa naman niya sa abot ng kanyang kakayahan na ihanap ng mga projects si Mark. Hindi lang na-manage nang maayos ng aktor ang kanyang finances. Hindi siya gaanong nagpursige upang mag-improve ang kanyang craft.
Sa tagal ng pamamalagi niya sa GMA-7, hindi siya nag-level-up bilang aktor. Hindi naman habampanahon ay puro pagsasayaw ang makikita sa kanya ng publiko. Paano siya maisasama sa mga seryosong serye kung hindi siya kinakikitaan ng galing sa pag-arte?
Unless, gusto na niyang luminya sa pagkokontrabida o tatanggap siya ng project na supporting role lang.
Hindi naman nagkulang si Manay Lolit sa pagbibigay ng payo kay Mark Herras ng makakabuti sa kanya. At ngayong may anak na si Mark, sana raw ay magbago na ang aktor at seryosohin na ang kanyang career.
May mga kasamahan si Mark sa StarStruck na nag-alok ng tulong nang mabalitaan ang kanyang kalagayan ngayon. Pero, tinanggihan daw ito ng aktor at gumagawa na lang ng paraan para suportahan at buhayin ang kanyang mag-ina.
For sure, naunahan din siya ng hiya matapos malaman ng publiko ang kanyang sitwasyon ngayon.




Comments