top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

After kumalat na buntis ang aktres… KASAL NINA ZANJOE AT RIA SA TATE, FAKE!

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 6, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 6, 2022



Matapos kumalat ang balitang buntis si Ria Atayde na si Zanjoe Marudo ang itinuturong ama, mabilis ding kumalat sa YouTube ang balitang engaged na ang dalawa at sa New York daw naganap ang engagement na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya.


May balita pang pagkatapos ng nasabing proposal party ay nagpakasal na sina Ria at Zanjoe via civil wedding. Minadali raw ang kasal dahil buntis na nga ngayon ang anak ni Sylvia Sanchez.


Nagulat naman ang ilang malalapit kina Zanjoe at Ria dahil wala silang alam na may relasyon ang dalawa.


Kaya naman, inalam namin sa isang mismong insider na malapit sa Atayde family ang katotohanan sa balitang ito at sagot lang niya, "Not true 'teh! Wa' chos!"


So, malinaw na fake news at gawa-gawa lang ng ilang vloggers ang kumakalat ngayong relasyon daw nina Zanjoe at Ria.


Besides, kung totoong may 'something' sa dalawa, wala namang masama dahil pareho naman silang single at walang rason para ilihim nila ang mga bagay na 'to.


Mas marami pa nga ang papabor kung totoong may relasyon sila dahil bagay naman sila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page