After kumalat ang video ng halikan, aktor nanliligaw daw, Bea… MADIR NI DOMINIC, NAGPAPADALA PA NG FOOD KAY SUE
- BULGAR

- Nov 12, 2024
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 12, 2024
Photo: Dominic Roque at Sue Ramirez - Instagram
May kumakalat na balita na nagpapadala raw ng food ang mommy ni Dominic Roque kay Sue Ramirez. Totoo kaya ito?
Ayon kay Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel, isang source ang nagsabi na nanliligaw daw si Dominic kay Sue at madalas na nagpapadala ng pagkain ang mommy ng aktor sa aktres.
“Ayon sa source ko, nanliligaw daw si Dominic kay Sue. Oo, ang balita ko pa, eh, nagpapadala ng food ang mommy ni Dom kay Sue. Pero nanliligaw pa lang daw,” pagbubulgar ni Ogie.
Kamakailan lang, pagkatapos mag-viral ang kissing photos at video nina Dominic at Sue sa Siargao ay kinumpirma ni Mayor Javi Benitez na hiwalay na sila ng aktres matapos ang limang taon nilang relasyon.
Matapos ngang mag-viral ang kissing photos at video nina Dominic Roque at Sue Ramirez, may meaningful post naman ang aktor sa kanyang Instagram account.
“Happy people don’t attack you,” ang video quote na ishinare ni Dom sa kanyang Instagram Story.
Todo-sawsaw naman ang mga netizens at may iba’t ibang reaksiyon sa sinabi ni Dominic.
May mga sumang-ayon kay Dom at nagsabi na tama siya, habang may mga bashers na
tinawag siyang ‘clout chaser’.
Sey ng isang netizen, “Wala namang nag-a-attack sa ‘yo, Beh.”
May mga nagsabi pang, “Eh, di mag-deactivate s’ya para hindi ma-attack,” at “Clout chaser naman kasi ang galawan mo, Dominic.”
Dahil dito, marami ang nagbigay ng kanilang opinyon, kabilang na ang mga nagsabing,
“He’s minding his own business. Living life as he should. Tapos, ang dami pa ring nang-iintriga.”
Samantala, may mga payo naman kay Dom tulad ng, “Lie-low muna, Dom. People cannot accept you.”
Pero may mga nagdepensa rin sa aktor, at nagsabi na, “Wala kang karapatang magturo ng hate sa iba. Kung hindi mo gusto, ‘wag mong tingnan.”
Proud na proud sa galing ng aktres…
ECHO, INAMIN KUNG GAANO KALAKI ANG PAGMAMAHAL KAY JANINE
Pinuri ni Jericho Rosales ang talento sa pag-arte ni Janine Gutierrez.
Sa Instagram (IG), ini-repost ni Echo ang isang larawan ng aktres mula sa pelikulang Phantosmia. Sinabi niya na lubos siyang na-touched sa performance rito ng leading lady niya sa Lavender Fields (LF).
Ayon kay Echo, “@janinegutierrez I was carried by a raging river water with your performance. Triumph. Bravo! Here’s a [sunflower emoji].”
Agad naman itong ini-repost ni Janine at nag-comment ng tatlong face emojis na may iba’t ibang ibig sabihin.
Samantala, ang rumored celebrity couple na sina Echo at Janine ay naging guest sa Rainbow Rumble (RR) game show ni Luis Manzano. Doon tinanong ni Luis si Echo kung gaano raw kalaki ang pagmamahal niya kay Janine.
Sagot ni Echo, “Kasinglaki ng Lavender Fields.”
Oh, ha?! Promo pa rin ba 'yan? Chos!











Comments