After kina Joshua at Jake… RIA, SI ZANJOE NAMAN ANG KASAMA SA NEW YORK
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 11, 2022

Nakita sa New York City sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo na magkasama. Espekulasyon ng mga netizens ay in a relationship ang dalawang Kapamilya artists.
After ng breakup ni Z sa international surfer ay wala na uling na-link sa aktor.
Si Ria naman na iniuugnay kay Joshua Garcia, laging sinasabing friends lang sila ng aktor.
May picture sina Zanjoe at Ria sa restaurant na magkatabi kasama ang sinasabing family umano ng aktor. Sa ibaba ng larawan ay may nakalagay na "Catch Steak New York."
Ayon sa isang netizen, naniniwala siyang couple ang dalawa dahil madalas daw niyang nakikita ang mga ito sa Batangas.
Komento ng netizen, "Sabi ko na nga, eh, sila talaga."
May nagsasabi namang baka "Pambansang BFF" lang si Ria. 'Yan kasi ang tag sa kanya dahil sa dami ng kanyang kaibigan.
Epal naman ang komento ng isang ito, "Umaasa si girl na seseryosohin siya ni Z."
"I find Ria pretty. She's not sexy by Asian standard, but it's okay. She seems nice. I hope she gets a breakout role in the future."
"Ang dami namang nali-link sa kanya, from Joshua, Jake Ejercito, now Zanjoe na. Maganda siguro siya in person."
"Or maybe she's one of the boys kaya madaming guy friends? May other girls din kasing nali-link sa mga guys na rumored to be her boyfriend, like Joshua and the athlete girl."
Disagree naman ang isang commenter kay Zanjoe para sa anak ni Sylvia Sanchez.
"Yuck! Daming maayos na lalaki, 'yan talaga."
Siyempre, may kumontra, "Ano'ng definition mo ng maayos na lalaki na hindi na-meet ni Zanjoe?"
"Aba'y litung-lito na ako kung sino ang jowa ni Ria. Kalalabas lang din kasi nu'ng pic nila ni Jake Ejercito, eh."
Kamakailan kasi ay nag-trending ang picture na hinahalikan si Ria sa pisngi ni Jake Ejercito.
"Huhu, wala talagang dating si Ria. Naku, baka 'di seryosohin ni Z 'yan."
"Sumunod talaga si gurl? Kung 'yan lang ang sadya niya d'yan, eh, ang mahal naman ng pamasahe at hotel kung friends lang sila, 'no?"
Both single naman ang dalawa at si Zanjoe, gusto na ring magkapamilya."
"I smell proposal."
"They did some shows abroad tapos may stop sila sa NY. Star Magic at 30."
"Yes, pero 'di kasali si Ria sa show. Wala rin kasing talent at hatak sa audience. Sumunod lang talaga kay kuya (Zanjoe) sa US."
"Mag-jowa 'yan, pangit lang kasi si Ria, kaka-secret nila ni Z, kung kani-kanino nagpapa-link."
Awww, ha?!





Comments