top of page

After kay Liza… ENRIQUE, FIRST TIME SA MAS BATA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | April 23, 2026



WINNER - ENRIQUE, FIRST TIME SA MAS BATA-FB Enrique Gil

Photo: FB / Enrique Gil



Nilinaw ni Andrea Brillantes na wala siyang natanggap na bashing from fans sa unang tambalan nila ni Enrique Gil sa A Secret in Prague (ASIP).


It’s no secret na sobrang dami ng mga fans ni Enrique sa dati niyang kalabtim na si Liza Soberano. At aware rin daw si Andrea ukol dito.


“Actually, wala naman po. And if ever meron po, I respect them naman po, ang fans. At saka napapanood ko rin naman po sila (Enrique and Liza) noon,” sabi ng aktres.

On Enrique’s part, nagpasalamat ang aktor sa ipinakitang suporta ng kanyang mga fans from his previous love team.


“Yes, ang tagal na nilang nagbe-beg na bumalik ako sa paggawa ng rom-com (romantic-comedy). Sobra na raw nila ako nami-miss. Kaya sabi ko, ‘Sige, gagawa ako,’” tsika ni Quen.


Tinanong namin kina Andrea at Enrique kung may naiwan ba silang sikreto sa Prague.

Sagot ni Enrique, “Yeah, maraming sikreto sa Prague. Alam mo, mysterious kasi ang Prague. Pero totoo, marami lang mga sikreto ang naiwan sa Prague.


“S’yempre, may memories po kaming naiwan sa Prague na puwedeng balik-balikan. Pero it doesn’t mean na ‘di na kami babalik. Who knows baka bumalik kami ru’n or baka ibang place naman. Baka merong part 2 sa future. ‘Di natin alam.”


Ang A Secret in Prague ay sumasalamin sa mundong puno ng lihim at panganib. At may isang tanong na hihingi ng sagot—pag-ibig ba o pangarap?


Tunghayan ang kuwentong hahamon sa puso at ambisyon nina Mikoy (Enrique) at Chiara (Andrea).



Mula sa TV5 Entertainment at Slingshot Studios ang kauna-unahang seryeng pagtatambalan nina Enrique at Andrea.

Simula na ngayong April 27, 8 PM sa TV5. Mapapanood din sa Netflix ang A Secret in Prague on April 24.





NAHIWAGAAN sa post ni Will Ashley sa X ang kanyang faney. Hindi kasi malinaw sa mga netizens kung ano ang dahilan ng kanyang post.

“Nyahahaha!” sabi ni Will sa X.


Nagtatanong ang mga fans ni Will kung ano ang nais niyang pakahulugan sa pagtawa niya sa socmed (social media).

Sey ng mga nakakita sa post:


“Context? So we can see it too! Hahaha!”

“Ano ba’ng tinatawanan natin? Gusto kong maka-join (sad emoji).”

“Hirap naman tumawa ‘pag wala kaming alam n’yan.”

“Luh! Ano ‘yan?”


Feeling naman ng iba sa socmed, sadyang happy lang si Will lalo pa’t okay ang kanyang love life.

“Happy ka, beh?”

“Basta happy ka. Hahaha!”


“Grabe tawa lang pero bakit parang narinig ko ‘yung kasutilan. Hahaha!”

“Aba, masaya ang bata. Sana, everyday na ‘yan.”

Sana all.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page