top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

After kay Diego... CESAR, NAKIPAG-BONDING NA RIN SA 3 ANAK NILA NI SUNSHINE

BULGAR
Mar 14, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 14, 2022



Finally, natupad na rin ang wish ng aktor na si Cesar Montano na makasama ang tatlo nilang anak ni Sunshine Cruz.


Pagkatapos nilang magkabati ng anak niyang si Diego Loyzaga kay Teresa Loyzaga, sumunod naman ang pagkikita-kita nila ng kanyang tatlong prinsesa na sina Sam, Cheska at Angelina.


Naglaro sila ng badminton kasama ang kanilang Kuya Diego. Mismong si Diego ang nag-upload ng mga larawan na magkakasama sila habang nagba-bonding.


Maganda rin ang naging komento nina Sunshine at Teresa sa pagkikitang ‘yun ni Cesar at ng kanyang apat na anak.


Taong 2016 pa noong huling makasama ni Cesar ang kanyang mga anak kay Sunshine.


Kaya naman, bumawi siya sa mga ito nang muli silang nagkita-kita.


Well, ang tanong ng mga netizens ay posible kayang magkasama sa isang project ang mag-amang Cesar at Diego? At si Sunshine, papayag din kayang makatrabaho ang kanyang estranged husband sakaling may mag-offer?


Tiyak na pag-uusapan ito sa showbiz circle at marami ang magkakainteres na malaman kung ano ang kanilang magiging reaction sa muling pagkikita ng nagkahiwalay na mag-asawa.


Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay noon nina Sunshine at Cesar. Humantong pa ito sa korte at pagpapa-annul nila.


Pero, sa tagal na rin na sila ay nagkahiwalay, may mga realizations din na nagpabago ng lahat. Wala nang galit sa puso ni Sunshine Cruz lalo na’t nakikita niya na masaya ang kanyang mga anak kapag nakakasama ang kanilang ama.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page