top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

After kay Alden, hindi si John Lloyd… DENNIS, BAGONG LEADING MAN NI BEA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 2, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 2, 2022



Nagpapalitan ng pasabog sina Alden Richards at Bea Alonzo tuwing may Kapuso Fans Day sila to promote Start-Up PH.


Sa Kapuso Fans Day sa Cebu, may pahayag si Alden tungkol sa naging love team nila ni Maine Mendoza at may sinabi pang hindi siya property ng kahit sino at ang desisyon at choices pa rin niya ang masusunod.


Naging isyu ang pahayag na ‘yun ni Alden. May mga hindi nagustuhan ang sinabi niya, meron ding nag-stick pa rin sa paniniwalang kasal na sina Alden at Maine, at may mga anak pa nga.


May mga naawa rin sa aktor dahil kahit anong paliwanag at pagde-deny sa kanyang status, ayaw pa ring paniwalaan.


Sa Kapuso Fans Day ng cast ng Start-Up PH sa Davao City, si Bea naman ang may pasabog. In-announce nito na sa next teleserye niya sa GMA-7 ay si Dennis Trillo ang makakasama niya.


Napanood namin ang video nang i-announce ni Bea ang tungkol dito sa mediacon nila nina Alden, Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi.


Ani Bea, sa January next year sisimulan ang teleserye na fantasy daw ang concept. Kung matutuloy, reunion ito nina Bea at Dennis na nagkasama sa isang project noong pareho pa silang nasa ABS-CBN. Magka-batch pa nga sila sa Batch 10 ng Star Magic na kinabibilangan din nina Alfred Vargas, Nadine Samonte at Karel Marquez.


May follow-up project agad sa GMA si Bea, hindi nga lang si John Lloyd ang makakasama. But still, excited ang mga fans to see her and Dennis together. Wish nilang straight family drama ang series dahil family-fantasy nga raw ang gagawin nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page